Chapter 32

1258 Words

Napabalikwas ako ng bangon nang magising sa hindi pamilyar na silid. Ginapang ng kaba ang aking dibdib dahil hindi ko alam kung nasaan ako. Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong nakitang tao. Pinihit ko ang seradura ng pinto, hindi ito nagbukas kaya lalo akong kinabahan. Naiiyak kong hinanap ang bag ko sa kabuuan ng kwarto. Natagpuan ko ito sa gilid ng kama. Naluha na ako ng tuluyan nang hindi ko makita ang aking cell phone. Paano ko ma co-contact si Nigel? Nasaan ba ako? Bakit ako narito? Ang huling natatandaan ko ay hinimatay ako. Napahiga na lang ako muli sa kama hanggang sa makatulugan ang pag-iyak. Nagising ako na parang pagod na pagod ang katawan. Hindi ko alam kung bakit madalas ang pagkahilo ko ngayon. Napatakip ako ng ilong ng may maamoy na mabaho. Parang may nag- gigisa. May k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD