MARIBEL
Hindi ako mapakali sa aking kama nang lumabas si William. Hindi ko alam kong lalabas ako sa aking silid upang kausapin siya. Parang gusto ko ng bumalik sa Manila upang maiwasan siya. Bakit ba nagkataon na wala si Mommy at Daddy lalo na ang mga kasambahay? Bakit hindi sinama ni Steff ang kanyang boyfriend? Tanong ko sa aking sarili. Sa halip na magpahinga ako. Mas lalo akong napagod. Medyo nakaramdam ako ng gutom kaya kinuha ko ang tray na may laman na pagkain at kinain. Naubos ko ang lahat dahil puro paborito ko ang dinala ni William. Naalala ko na ito ang palagi niyang niluluto dati. Pagkatapos kong kumain bumalik ako sa kama at nag isip kung ano ang aking gagawin upang hindi malaman ng aking mga magulang lalo na ni Steff na si William ang lalaking minahal ko dati. Ayaw ko na magkagulo kaya kailangan ko talagang bumalik sa Manila. Ngunit napahilamos ako sa aking mukha nang maalala ang sinabi ni Steff na isama ko si William pabalik ng Manila upang magtrabaho sa kompanya ni Jefferson. Ang speaking of Jefferson. Kaagad kung kinuha ang aking cellphone upang tawagan siya.
"Wife? How are you? I miss you already wife. I love you. Kamusta ang byahe mo papunta ng Masbate? Nagkausap na ba kayo ni Mommy at Daddy? Nakilala mo na ba ang brother in law mo? Kailan ang kasal nila ni Steff?" Tanong kaagad ni Jefferson ng sinagot niya ang aking tawag.
"I miss you too Hubby! I love you too! I'm fine hubby. Ikaw kamusta ang company mo? Kumain ka na ba? About you're question. Yeah nakilala ko na ang fiance ni Steff. Wala si Mommy at Daddy pagdating ko. Nandito ako ngayon sa room ko. Medyo napagod kaya nagpahinga muna hubby." Ani ko sa kanya sa kabilang linya.
"That's good wife. Enjoy staying with your family. Saka nabanggit ko na kay Mommy at Daddy na baka kung gusto ni Steff at Luke na sumama sa'yo sa Manila para may kasama ka at si Luke naman ang bahala muna sa opisina ko. Pero sinabi ni Steff na maiwan siya dahil mag asikaso siya ng kasal nila ni Luke. Pero pumayag naman siya na sumama si Luke sa'yo. Dalawa naman ang room sa condo natin kaya pwedi na duon muna si Luke." Turan ni Jefferson. Kaya bigla akong nabahala sa kanyang sinabi.
"Hubby nakahihiya, nadisturbo sila sa kanilang paghahanda sa kanilang kasal. Okay lang naman, na ako muna ang titingin ng opisina mo. Saka baka kailangan ni Steff si Luke dito. Saka kakilala ko pa lang sa kanya." Reklamo ko kay Jefferson dahil hindi ko talaga kaya na makasama si William sa isang bahay.
"Wife his you're brother in law. I trust you and I trust him. Kaya huwag ka'ng mag-alala. Mabait si Luke. Saka ito na ang panahon na makasalamuha ka sa ibang tao. Alam ko na wala ka'ng tiwala sa ibang tao dahil sa nangyari sa'yo nuon. Pero trust me wife. Subukan mo'ng makisama at magtiwala ulit sa iba." Malumanay na saad nito. Kaya bumuntong hininga ako at hindi siya sinagot.
"Wife!" Malambing niyang sabi.
"Okay Hubby! Please take care of yourself. Maybe you need to rest too. Just call me again tomorrow. I will sleep Hubby." Ani ko dahil bigla akong nakaramdam ng kaba sa kung anong mangyari kapag magkasama kami ni William na dalawa lamang kami.
"I love you, Wife!. Take care also..Sige take a rest, I will rest too. I will call you again when I awake. I miss you wife." Aniya.
"Okay! bye Hubby." Sagot ko at pinatay ko na ang tawag. Sumandal ako sa headboard ng aking kama dahil pakiramdam ko mas lumaki ang aking problema. Habang nasa malalim ako ng aking pag-iisip. May kumakatok sa aking pinto.
"Baby, iha?" Narinig ko ang boses ni Mommy sa labas, kaya kaagad akong bumaba sa aking kama. Mabilis ako'ng pumunta ng pintuan at binuksan.
"Mommy, Daddy!" Sigaw ko ng makita ko si Daddy at Mommy na nakatayo sa labas ng pintuan. Bumuka kaagad ang kamay ni Mommy upang yakapin ako. Yumakap ako kay Mommy ng mahigpit at hindi ko mapigilan na tumulo ang aking mga luha. Naramdaman ko din ang kamay ni Daddy na yumakap din sa aking likuran.
"We miss you baby, iha. Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka na. Kung hindi ako tiwanagan ni Steff na nandito ka na. Hindi pa namin malaman ng daddy mo. Kamusta ka anak iha? Kailan niyo kami ni Jefferson bibigyan ng apo?" Magiliw na tanong ni Mommy. Bigla naman akong napaubo sa sinabi niyang apo. Wala pa ngang nangyari sa amin ni Jefferson.
"Honey! Hayaan muna natin na enjoyin ni Jefferson at Maribel ang kanilang pagiging mag-asawa." Turan ni Daddy kay Mommy. Kaya napangiti ako sa sinabi ni Daddy.
"Kamusta ang byahe mo iha? We miss you so much!" Sambit ni Daddy.
"I miss you too Mommy and Daddy. I'm sorry kung hindi ko sinabi na uuwi ako. Gusto ko lang kayo i-surprise. Saka ang akala ko ba nasa birthday party kayo? Tapos na ba My?" Tanong ko kay Mommy.
"Kaagad kaming umuwi n'ong sinabi ni Steff na dumating ka. Sinabi niya na kayo lang ni Luke dito. Dahil may pinuntahan siya at bukas pa daw siya maka uwi. Kaya umuwi kami dahil baka matakot ka, na ikaw lang mag-isa dito at may kasama ka na bago mo lang nakilala. Baka bumalik ang trauma mo kapag may kasama ka'ng iba." Malumanay na saad ni Mommy. Kaya ngumiti ako sa kanila ni Daddy at lihim na nagpasalamat na umuwi sila para hindi matuloy ang balak ni William na kausapin ako.
"Iha, kung gusto mo magpahinga, magpahinga ka muna. Tatawagin lang kita kapag maluto na ang hapunan. Ang bait at ang sipag ng manugang ko. Siya ang nagluluto ngayon. Prehas kayo ni Steff na ma swerte sa lalaki. Gwapo na mabait pa, magaling din mag luto si Jefferson ganun din si Luke. Kaya masaya kami ng Mommy niyo anak na nakatagpo kayo ng mga mabuting asawa." Turan ni Daddy. Bigla akong nakaramdam ng konsensiya kahit wala naman akong ginawa. Hindi nila alam na si William ang lalaking minahal ko nuon hanggang ngayon.
"Maraming maraming salamat Mommy, Daddy sa pagmamahal niyo sa amin ni Steff. Mommy pwedi ba na hindi na ako kakain ng dinner? Katatapos ko lang kasi kumain. Binigyan ako ni Luke. Gusto ko sana Mommy magpahinga muna. Medyo masama ang pakiramdam ko sa biyahe. Pero huwag na kayong mag-alala Mommy Daddy naka inum na ako ng gamot." Saad ko sa kanila.
"Bukas nalang ako babawi sa inyo Mommy, Daddy." Magiliw kong saad. Niyakap ako ni Mommy at hinalikan ako sa aking noo. Ganun din si Daddy. Humalik din ako sa kanila pabalik at nag paalam na babalik na sa aking silid. Parang sumakit ang ulo ko sa pag-iisip kung ano ang mga mangyari sa susunod na araw. Pinilit kong makatulog. Na alimpungatan ako ng may naramdaman ako na parang may tao na nakatayo sa gilid ng aking kama. Kaya napabalikwas ako ng bangon. Nakita ko si William na seryusong nakatingin sa akin. Nagtaka ako kung bakit siya naka pasok sa loob ng aking silid. Ang pagkakaalam ko ni-lock ko naman ang aking pintuan kanina.
"Wi-William! Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok sa kwarto ko. Lumabas ka dito. Nandito si Mommy at Daddy. Baka malaman nila na pumasok ka sa kwarto ko." Pagtataboy ko sa kanya.
"Nangako ka na kausapin mo ako. Pero hindi ka lumabas. Mahal ko! Mag-usap tayo. Miss na miss kita sobra. Kaya please kahit Ngayon lang! Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari sa'yo n'ong tumakas ka. Gusto ko lang malaman kung bakit may asawa ka na? Nangako tayo sa isa't-isa. Bakit nag-asawa ka kaagad." Tanong niya sa malungkot na boses.
"William kalimutan na natin ang nakaraan. Kahit malaman mo pa, Hindi na natin maibalik Ang nakaraan. May asawa na ako at malapit na kayong ikasal ng kapatid ko. Huwag na natin gawi'ng komplikado ang lahat.
"Walang nangyari sa amin ni Steff. Dahil Ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Oo ina-amin ko may puwang na rin sa puso ko si Steff. Pero Ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko mula nuon hanggang ngayon." Aniya.
"Mahal ko ang asawa ko, William. Ilang beses na rin ako'ng na angkin ng asawa ko. Kaya sana kalimutan mo na ako. Hindi na kita Mahal. Kaya umalis ka na." Ani ko dahil hindi ko na kaya matagalan pa na kasama ko siya sa akin silid. Sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso. Na parang sasabog na ito sa sobrang lakas.
"Kung hindi mo ako mahal. Patunayan mo, isasama mo ako sa Manila. Magsasama tayo sa condo niyo ng Asawa mo. Pumayag na ako sa sinabi ni Steff na sasamahan kita sa Manila para ako muna ang magtrabaho sa opisina ng mahal mo'ng asawa. Good night!" Aniya at mabilis na lumabas sa aking bintana. Napaawang nalang ang aking labi habang nakasunod ang aking mata ng tumalon siya mula sa kabilang balcony.