MARIBEL
"Salamat Manong!" Pasalamat ko sa taxi driver na nag hatid sa akin dito sa bahay namin sa Masbate. Hindi na ako nagpa sundo kay Mommy at Daddy. Hindi ko rin sinabi na ngayon ako darating. Hindi ko alam kong bakit simula kanina sa Manila hanggang ngayon sobra akong kinakabahan na hindi ko alam. Pagka-alis ng taxi. Bumuntong hininga ako habang mahigpit ang kapit ko sa aking bag. Hindi na ako nagdala ng aking damit. Dahil may mga damit naman ako dito. Mga personal na gamit ko lamang ang aking dala. Huminga ako ulit ng malalim bago nag door bell sa gate. Maya-maya bumukas naman ito. Nanlaki ang mata ni Kuya Rowel ang guard namin ng makita niya ako.
"Ma'am Maribel Ikaw na ba 'yan? Wow ma'am na-miss po namin kayo. Mabuti at nandito kana. Si Ma'am Steffany kahapon lang din dumating kasama si sir Luke. Welcome back ma'am sa bahay ninyo." Magiliw na salubong sa aking ni Kuya Rowel.
"Salamat Kuya Rowel. Kamusta po kayo dito? Ako din po miss ko rin kayong lahat." Masayang turan ko.. Matagal na namin na guard si Kuya Rowel parang natandaan ko na mga bata pa lamang kami ni Steff. Nandito na siya nagta trabaho sa amin. Kumuha ako ng lera at binigay sa kanya. Ako kasi ang klasing tao na tinatamad mag bitbit ng mga pasalubong kaya mas gusto ko pa na cash ang ibigay. Binigyan ko si Kuya Rowel ng ten tawsan.
"Wow, ma'am! Salamat po. Ang ganda niyo na Ang bait mo pa ma'am." Masayang turan ni Kuya Rowel.
"Nambola ka pa Kuya. Sige po Kuya tuloy na po ako." Paalam ko Kay Kuya Rowel.
"Ay oo nga pala ma'am. Kailangan mo na talagang pumasok. Baka naghihintay na si Sir at ma'am. Welcome back ulit ma'am at Salamat dito." Aniya habang tinaas ang hawak na pera. Tumango ako kay Kuya bago humakbang papunta sa bahay. Habang naglalakad ako mas lalong bumibilis ang pagtibok ng aking puso. Pinilig ko na lamang ang aking ulo at inisip lang na baka ganito ang lang ang naramdaman ko. Dahil after five years ngayon naman ako nakabalik sa amin.. Pagdating ko sa harap ng bahay pumasok ako kaagad dahil naka bukas naman ito. May narinig akong mga boses sa sala kaya duon dumako ang aking paningin. Halos mabitawan ko ang aking hawak na bag at biglang nanginginig ang buo kong katawan. Parang mawalan ako ng hininga dahil sa taong nakita ko. Hindi ko mapigilan na tumulo ang aking luha. Walang kurap akong nakatingin sa kanya.
"William?" Sambit ko sa aking isipan dahil parang hindi ko maibuka ang aking bibig. Sakto pagtingin niya sa pinto at nagtama ang aming mga mata. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.
"Mahal ko." Basa ko n'ong binuka niya ang kanyang bibig ngunit walang boses. Maya-maya humarap si Steff dahil napansin niya siguro na nakatingin si William sa pintuan na walang kurap na nakatingin sa akin..
"Maribel." Malakas na sigaw ni Steff at kaagad na tumayo saka tumakbo papunta sa akin. Pasimple ko'ng pinunasan ang aking luha.
"Maribel I miss you sis." Sambit ni Steff habang nakayakap sa akin ng mahigpit. Kahit naguguluhan ako kung bakit nakita ko dito si William? At kung bakit nandito siya? Yumakap ako pabalik kay Steff.
"Steff." Tanging nasabi ko habang nakatingin pa rin kay William. Walang kurap pa rin na nakatingin si William sa akin. Umiwas lang ako ng tingin ng humiwalay ng yakap sa akin si Steff.
"Maribel, mabuti dumating ka na. Kamusta ang byahe? Bakit hindi mo sinabi kay Mommy na ngayon ka pala darating? Sana nasundo ka namin." Magiliw na Sabi ni Steff.
"Siya nga pala bago ko makalimutan. Babe, si Maribel, siya ang kweninto ko sa'yo na Kapatid ko. Maribel si Luke finacé ko." Magiliw na pakilala ni Steff sa amin. Nilahad naman ni William ang kanyang kamay sa akin. Parang ayaw ko pa sanang tanggapin ngunit kailangan kong tanggapin baka kung ano pa ang isipin ni Steff.
"Hi! Kamusta, Maribel?" Nakangiti na sabi ni William.
"I'm good." Sagot ko sa kanya. Parang may kuryente na dumaloy sa aking kamay papunta sa aking buong katawan ng mahawakan ni William ang aking kamay. Pinisil niya pa ito at pa simple na kumindat sa akin. Kaya kaagad kong kinuha ang kamay ko sa kanya. Pinakalma ko ang aking sarili saka bumaling kay Steff.
"Steff, I miss you? Congratulations sa inyong dalawa. Bye the way, nasaan sina Mommy at Daddy?" Masiglang tanong ko jay Steff. Umupo ako sa kanyang tabi at niyakap siya muli. Napansin ko na panay ang sulyap ni William sa akin.
"I miss you too sis. Hindi alam ni Mommy at Daddy na ngayon ang punta mo. Tumawag kagabi si Jefferson at sinabi na hindi siya makasama sa'yo. Dahil pumunta siya ng U.S para sa kanyang kompanya. Kaya ang akala namin hindi ka ngayon makarating. Kaya pumunta si Mommy at Daddy sa kanilang kaibigan upang mag attend ng birthday. Kaya kami lang ang nandito ni Luke. Pero mamaya may pupuntahan ako na kaibigan. Kaya mabuti nalang dumating ka para may kasama muna si Luke habang wala ako. Nabanggit din ni Jefferson na kung pwedi daw sumama sa'yo si Luke para siya muna ang mag-asikaso ng kompanya niya sa Manila. Kaya dito pa lang kailangan niyo ng mag-usap ni Luke." Sambit ni Steff. Kaya napalunok ako ng sariling laway sa narinig. Parang bigla akong nakaramdam ng pagod sa mga sinabi ni Steff.
"Siya nga pala! Baka gutom ka sis. Kumain ka muna bago magpahinga. Mamaya pa naman ako aalis. Halika may pagkain sa mesa. Mabuti nalang marami ang niluto kanina ni Luke. Day off kasi ngayon ng mga kasambahay natin at bukas pa sila babalik." Saad ni Steff.
"Salamat sis, pero ako nalang, kaya ko na ang sarili ko. Saka parang wala pa akong ganang kumain. Magpahinga muna siguro ako. Mamaya nalang ako kakain." Ani ko. Dahil parang hindi ko na talaga kaya ang presinsya ni William sa aking harapan. Mabuti nalang hindi siya napansin ni Steff. Dahil simula kanina sa akin lang siya nakatingin. Tumayo ako para pumasok muna sa aking silid.
"Nice to meet you Luke. Welcome to our family. Steff maiwan ko muna kayo. Bukas nalang tayo mag bonding." Pilit kong pinakalma ang aking sarili. Yumakap ulit ako mlay Steff bago ko sila iiwan. Malaki ang mga hakbang ko paakyat sa hagdan upang makarating kaagad sa aking silid. Pagpasok ko sa aking silid. Pag-sara ko ng pinto sumandal ako sa pintuan at hinawakan ang aking dibdib. Hindi ko na mapigilan na tumulo ang aking mga luha. Masaya ako na malungkot sa pagkita namin muli ni William. Masaya na buhay lala siya. Malungkot at nasasaktan dahil may Asawa na ako at fiance naman siya ng aking Kapatid. Hinayaan ko muna ang aking mga luha na lumabas para maibsan ang sakit na aking naramdaman. Ilang minuto pa akong nakatayo hanggang sa naisipan ko'ng maligo. Iniisip ko na baka ito nga talaga ang naka tadhana sa amin ni William. Na hindi talaga kami para sa isa't-isa. Pagkatapos kung maligo parang gumaan ang aking pakiraramdam. Pagkatapos ko'ng magbihis humiga ako kaagad sa aking kama. Sobra kong na-miss ang aking kwarto. Wala pa rin pinagbago malinis at nandito pa rin lahat na aking mga gamit. Dahil sa nakaramdam ako ng pagod at antok. Pagkatapos kung tingnan ang buong paligid ng aking silid. Kaagad na rin ako'ng nakatulog ng mahimbing.
Habang nasa mahimbing ako ng aking pagtulog may naramdaman akong parang may humahalik sa aking buong mukha. Ang akala kosi Jefferson ang humalik sa akin. Kaya kumapit ako sa kanyang leeg n'ong naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Patuloy kami sa paghahalikan na parang sabik na sabik sa isa't-isa. Hanggang sa naramdaman ko na pinisil na niya ang aking baywang.
"Mahal ko." Duon lang ako tuluyan nagmulat ng aking mata. Nanlaki ang aking mata ng hindi si Jefferson at hindi panaginip na naghahalikan kami. Sapagkat si William ang humalik sa akin habang nakadagan siya sa aking ibabaw. Hinawakan ko siya sa kanyang dibdib upang sana itulak ngunit mabigat siya, kaya hindi ko siya kayang itulak.
"Ano ang ginagawa mo dito? Bakit ka pumasok sa kwarto ko. Umalis ka dito William. Lumabas ka sa kwarto ko. Baka makita tayo ni Steff at ano pa ang sabihin sa atin." Matigas kong sabi na kinakabahan.
"I miss you mahal ko. Kamusta ka? Kailangan natin mag-usap. Pakiusap mahal ko!" Aniya at tumulo nalang bigla ang kanyang mga luha.
"Umalis ka muna sa ibabaw ko. Ang bigat mo." Sambit ko. Kaagad naman siyang umalis kaya mabilis akong bumangon at bumaba sa kama. Inayos ko ang aking sarili at seryusong tumingin sa kanya.
"William masaya ako na buhay ka. Pero kailangan natin kalimutan kung ano man ang mayruon tayo nuon. Sorry kung hindi kita natulungan nuon. Masaya ako para sa inyo ng Kapatid ko. May asawa na ako. Sorry kung hindi ko na, natupad ang pangako ko sa'yo. Pero matagal na 'yun. Kaya sana kalimutan nalang ang mga nangyari nuon. Kaya please lumabas ka na dito. Baka maabutan tayo ni Steff." Naluluha ko'ng sabi habang nakayuy. Dahil aaminin ko sobra ko din siyang na-miss. Ngunit hindi na talaga kami pwedi. Lalo na fiance siya ng aking Kapatid at may asawa na ako. Naramdaman ko na yumakap siya sa akin. Pilit akong kumawala ngunit mas humigpit pa ang kanyang pagyakap sa akin.
"Umalis na si Steff, tayo nalang ang nandito. Dinalhan kita ng pagkain. Kaya kumain ka na. Lalabas ako, pero ipa-ngako mo muna na mag-usap tayo mamaya." Aniya sa garalgal na boses. Napilitan akong tumango dahil gusto ko na siyang lumabas sa aking silid. Sapagkat baka hindi ko na mapigilan ang aking sarili na yakapin siya. Mabilis niya akong hinalikan sa labi at lumabas sa aking silid. Nakatulala akong nakatingin sa kanya habang palabas siya ng aking silid. Wala sarili na dinala ko ang aking kamay sa aking bibig.