CHAPTER:16

2257 Words

Ang araw ay bahagyang sumisilip mula sa manipis na ulap nang magising si Serena mula sa isang panaginip na hindi kanya. Nanginginig pa ang kanyang mga daliri habang pinagmamasdan ang kisame ng silid sa resort ang parehong silid na ilang araw na niyang tinutulugan kasama si Sabrina, ngunit ngayong umaga, wala ang kapatid. Napalingon siya sa bakanteng kama. Maayos ang pagkakatiklop ng kumot, at ang unan ay walang bakas ng pinaghigaan. Parang hindi natulog doon si Sabrina kagabi. “Sab?” tawag niya, garalgal ang boses. Walang sumagot. Bumangon siya at naglakad papunta sa bintana. Mula roon, kita niya ang dagat mahinahon, payapa, pero tila may tinatago sa ilalim ng kanyang katahimikan. Kumatok si Gello sa pinto. “Serena?” ani ng boses sa labas. “Okay ka lang ba? Hindi ka sumagot sa tawag ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD