Mainit na liwanag ng araw ang unang sumalubong kay Serena nang imulat niya ang kanyang mga mata. Para siyang sinampal ng reyalidad ng mga nangyari kagabi. Ang mukha niya sa salamin. Ang ngiti na hindi kanya. At ang anino sa likuran na hindi nawala kahit sa pagdilat. Nasa kama pa rin siya. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang huni ng mga ibon sa labas ng bintana ng resort suite. Pinakiramdaman niya ang sarili, parang may bara sa lalamunan niya, hindi dahil sa sipon kundi dahil sa lahat ng emosyon na nakalulunod. "Good morning," bulong ng isang pamilyar na tinig mula sa kitchenette. Lumingon siya at nakita si Elio, nakasando at pajama pants, may hawak na tasa ng kape. Hindi siya agad nakasagot. Parang bumigat ang dibdib niya sa pagkakakita rito. Mula sa angle niya, kita niya ang likod

