CHAPTER: 3

2919 Words
Ang araw ay sumikat nang buo at maalinsangan sa itaas ng Villanueva mansion, kung saan ang bawat anino ay tila may dalang init, at ang bawat galaw ng mga kasambahay ay may halong pagmamadali. Hindi ito ordinaryong araw. Isang biglaang beach outing ang ipinatawag ng pamilya Villanueva kasama ang pamilya ng kasosyo nilang pamilya Santos ang pamilya ng fiancé ni Serena, si Lucio. Isang weekend daw ng pahinga, ngunit para kay Serena, ito ay isang weekend ng pag-iwas. "Ma’am Serena, narito na po ang inyong maleta," ani Yaya Lita, bitbit ang Louis Vuitton luggage na tila mas mabigat sa emosyon kaysa sa gamit. "Salamat, Yaya," tipid na tugon ni Serena habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kanyang silid. Suot niya ang isang white off-shoulder beach dress na lalong nagpalutang sa kanyang likas na ganda. Ngunit sa kabila ng anyo, may bigat sa kanyang mga mata ang uri ng pagod na hindi natutulog, kahit nakahiga. Sa ibaba, abala rin si Elio. Bitbit niya ang ilang beach supplies, pati na ang mga sunblock, drinks, at mga towel. Kasama siya sa mga kasamahang staff na magbibiyahe rin patungong Batangas kung saan naroon ang private resort na pag-aari ng Santos family. Tahimik lang siya, ngunit sa bawat kilos, naroon ang kumpiyansa at lalim ng iniisip. "Kuya Elio, sabay na tayo mamaya sa van ha? Para hindi ka ma-late," anang isang co-staff. Tumango lang siya. Pero ang totoo, ayaw niya talagang sumabay. Kung maaari lang, maglakad na lang siya papunta roon para lang hindi siya mapalapit kay Serena. Mula pa nang gabing nagtagpo ang kanilang mga mata sa veranda, at lalo pa nang dumating si Sebastian, ramdam niya na hindi na ito tulad ng dati. May tension na tahimik ngunit buo. Parang hangin bago ang bagyo. Pagdating sa van, anim na upuan ang naupahan ng pamilya para sa VIP guests, at isang hiwalay na sasakyan para sa staff. Ngunit dahil may ilang guests na hindi sumama, napagdesisyunang ipagsama na lang ang iba pang kasambahay sa unang van. "Elio, sa loob ka sumama," utos ng among babae. "Wala nang laman masyado sa loob." At doon na nga nagsimula ang araw ni Serena. Pag-akyat niya sa van, may tatlong bakanteng upuan sa likod. Naupo siya sa dulo, iniisip na doon siya hindi maabala. Ngunit ilang sandali pa, sumunod si Elio, dala ang dalawang bote ng tubig. "Ma’am Serena, gusto n’yo po ba ng tubig?" naka ngiting wika nito. Napatingin si Serena. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi siya agad nakasagot. "Oo. Salamat," sabi niya matapos ang ilang segundo. Tinanggap niya ang bote, at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagsalubong ang kanilang mga daliri. Sandali lang iyon, pero para bang huminto ang mundo. Mainit ang kamay ni Elio, malamig ang bote. At ang puso ni Serena? Hindi na niya matukoy. Tahimik sila sa biyahe. Sa bawat liko ng van, sa bawat lubak, hindi maiiwasang magdikit ang kanilang mga braso. Kay Serena, parang may kuryenteng dumadaloy sa tuwing mararamdaman niya ang balat ni Elio. Hindi naman siya umaatras. Hindi rin siya nagsasalita. Ngunit hindi rin siya lumalayo. Pagdating sa resort, sinalubong sila ng staff ng beach house. Ang lugar ay napapaligiran ng mga coconut trees, fine white sand, at asul na dagat na tila walang katapusan. Sa di-kalayuan, may mga private cabanas, infinity pool, at isang malaking open pavilion para sa kainan at mga aktibidad. "Ma’am Serena, dito po ang kwarto n’yo," sabi ng guide. "Salamat," tipid niyang sagot, bitbit ang bag at kaunting ngiti. Nakita niya si Lucio mula sa malayo, abala sa pag-uusap sa kanyang ama. Pinili niyang umiwas muna at dumiretso sa kwarto. Si Elio naman ay agad na naatasang tumulong sa pag-aayos ng cabana. Ngunit kahit abala, hindi niya maiwasang sundan ng tingin si Serena. Tanghali na, at nagsimula na ang mga social activities. Isa sa mga game ay beach volleyball. Kakulangan sa players, kaya pati si Elio ay naisama sa game. Nakasuot siya ng simpleng board shorts at white tank top. Ngunit sa mata ng Ilan lalo na ni Serena parang hindi simpleng outfit iyon. "Kuya Elio! Serve na!" sigaw ni Sebastian mula sa gilid, hawak ang coconut shake na halatang may halong vodka. "Let’s go abs-to-go!" sigaw ni Sebastian. "Sebastian!" saway ni Serena, na hindi malaman kung matatawa o matutunaw sa kahihiyan. "What?! I’m just being supportive!" nakangiwing sagot nito. Sa gitna ng game, tumakbo si Elio papunta sa gilid para kunin ang bote ng tubig na nilagay sa cooler. Napatingin siya kay Serena, at parang natural lang, lumapit siya rito at iniabot ang bote. "Mainit po. Baka nauuhaw kayo." "Salamat," sagot ni Serena. At muli, nagkabanggaan ang kanilang mga kamay. Muling nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa likod ng tawanan at sigawan ng mga nasa paligid, may isa na namang sandaling sila lang ang naroon. Lucio, mula sa may pavilion, ay tahimik na nakatingin. Hindi siya nagsalita. Hindi siya lumapit. Ngunit ang pagkakakunot ng kanyang noo ay hindi maitago. At si Serena? Hindi na siya makapagsinungaling sa sarili. Hindi na niya kayang sabihing wala siyang nararamdaman. Hindi na niya kayang itago na sa bawat titig ni Elio, may parte sa kanya na gustong bumigay. Ngunit hindi pa ngayon. Hindi rito. Hindi sa lugar kung saan lahat ay nanonood. Pero darating din ang sandali. At alam niyang papalapit na iyon. --- Ang araw ay patuloy na sumisilay sa kalangitan habang nagiging mas buhay ang paligid ng beach resort. Ang tunog ng alon, ang sigawan ng mga naglalaro, at ang tila walang katapusang tawanan ay tila isang soundtrack ng isang perpektong araw ng bakasyon. Ngunit sa ilalim ng mga ngiti, may mga damdaming pilit na ikinukubli. Si Serena ay nanatiling nakaupo sa lilim ng isang cabana, hawak ang baso ng malamig na juice. Pinagmamasdan niya ang volleyball game kung saan isa sa mga player ay si Elio—nakasuot pa rin ng kanyang board shorts, basang-basa ang buhok sa pawis, ngunit tila hindi iyon iniinda. Ang bawat galaw nito ay buo, matatag, at... mapanukso. Hindi niya ito gustong aminin, ngunit hindi niya rin kayang iwasan. Sa kabilang panig ng court, naroon si Sabrina, suot ang kanyang designer bikini top at see-through na wrap skirt. Nakayuko habang nilalagay sa paa ang ankle weights na para sana sa yoga class. Ngunit habang nakasilip, hindi niya maiwasang itaas ang tingin at mapatingin kay Elio. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang epekto ng lalaking ito sa mga babae sa paligid. O baka... ayaw lang niyang amining kasama na siya roon. “Uy Sabrina, tara dito, ikaw ang next mag-serve!” sigaw ng isa sa mga kabarkada niya. Tumayo si Sabrina, lumapit sa net, at nag-pose pa ng bahagya. “Sige, gusto ko ring mag-init ng kaunti.” Habang umiikot siya sa gilid ng court, hindi niya namalayan na ang ankle weight strap ay bahagyang nakalaylay. Nang dumaang malapit si Elio sa gilid para habulin ang bola, bigla siyang napatid. “Whoa!” sigaw ni Elio. Isang malakas na splash! ang sumunod. Tumama ang katawan ni Elio sa mababaw na bahagi ng dagat sa tabi ng court. Nagtilian ang mga babae sa paligid, at kahit ang mga kalalakihan ay napahinto. “OMG, Elio! Okay ka lang?!” sigaw ni Serena, agad na tumayo. Si Sabrina naman ay nanlaki ang mata. “Hindi ko sinasadya! As in swear! Hindi ko sinasadya!” Sa gitna ng tubig, bumangon si Elio. Basa ang buo niyang katawan. Ang board shorts na kanina'y normal lang, ngayo'y bakat na bakat sa araw at tubig at hindi lang basta bakat. May bahagyang katahimikan. Isa. Dalawa. Tatlong segundo. At biglang nagtawanan ang grupo ni Sebastian sa di kalayuan. “Kuya Elio! We see you!” sigaw ni Sebastian habang hawak ang phone, kunwaring kinukuhanan ng video ang eksena. “Sebastian, put that down!” sigaw ni Serena, namumula sa kahihiyan. Hindi niya alam kung kanino siya mas naiinis kay Sabrina, kay Sebastian, o sa sarili niya na gusto niyang yumuko sa kaba. Tumayo si Elio, piniga ang damit, at pilit ngumiti. “Okay lang po ako,” mahina niyang sabi habang pilit itinatago ang bahagi ng katawan niyang... masyadong kita. “Yung towel! Bilisan n’yo!” sigaw ng isa sa staff habang iniaabot ang tuwalya. Si Serena naman ay nilapitan siya, hawak ang tuwalya. Hindi sila nagsalita sa una. Tahimik. Malalim ang mga tinginan. At habang inaabot niya ang tuwalya kay Elio, nagkabanggaan na naman ang kanilang mga kamay. “Salamat po,” bulong ni Elio, habang nananatiling nakatitig. “Walang anuman,” sagot ni Serena, pero ang titig niya ay nagsasabing higit pa roon ang gusto niyang iparating. Habang lumalayo si Sabrina, kitang-kita sa mukha niya ang tensyon. Nagpanggap siyang abala sa phone, pero halata sa sulyap niya kay Elio na may bahid ng panibugho. At lalo itong napatunayan ilang minuto matapos ang insidente. Isang babae mula sa grupo ng mga bisita ang lumapit kay Elio, hawak ang malamig na drink at may mapang-akit na ngiti. "Hi! Ikaw pala 'yung natumba kanina. Are you okay? That was kind of... hot." Napatingin si Elio, medyo nahiya. “Ah, oo naman. Ayos lang.” Ngunit bago pa makasagot pa ng iba ang babae, biglang sumulpot si Sabrina mula sa likod at siningit ang sarili. “Sorry, taken na 'yang kausap mo,” mataray niyang sabi sabay hawak sa braso ni Elio at bahagyang hinila ito palayo. “At tsaka hindi siya showboy, okay?” “Excuse me?” natigilan ang babae. Ngunit bago pa tumagal ang tensyon, lumakad si Sabrina palayo dala si Elio, iniwan ang babae na nagtataka at ang mga bisitang nagsisimula nang magbulungan. “Bakit mo ginawa 'yon?” tanong ni Elio, mahina ngunit diretso. “Wala. Na-irita lang ako. Masama ba 'yon?” sagot ni Sabrina, na kahit hindi niya aminin, ay halatang nagseselos. At si Lucio, na dumating ilang minuto lang matapos ang insidente, ay hindi man nagsalita… pero ang tingin niya kay Elio ay parang may tanong: “Sino ka ba talaga?” --- Ang gabing iyon sa resort ay tila isinulat para sa isang pelikula. Ang buwan ay mataas, ang hangin ay malamig ngunit banayad, at ang mga bituin ay kumikislap na tila nakikisabay sa t***k ng mga pusong hindi sigurado kung saan patutungo. Nagsimula na ang dinner party sa ilalim ng malalaking canopy na pinalamutian ng fairy lights at hanging lanterns. Nasa isang mesa ang mga prominenteng bisita: ang mga magulang ni Serena, ang pamilya ni Lucio, ilang kaibigan ng pamilya, at syempre si Lucio mismo. Sa kabilang dulo naman, naroon ang mesa para sa staff at ilang kasama sa household. Doon nakaupo si Elio, tahimik habang tinititigan ang sariling baso ng tubig, hawak ang tuwalyang kanina pa niya pinipiga mula sa pagkakabasa. “Okay ka lang ba, kuya?” tanong ng isa sa mga kasamang staff. “Okay lang,” simpleng sagot niya. Ngunit sa loob-loob niya, hindi. Pakiramdam niya’y isa siyang eksenang hindi dapat nandoon sa pelikula. Mula sa di kalayuan, hindi maiiwasang mapatingin sa kanya si Serena. Nakasuot siya ng eleganteng green satin dress na nagpapatingkad sa kanyang makinis na balat at balingkinitang katawan. Ngunit ang ngiti niya’y ipilit hindi dahil sa dress, kundi dahil sa mga tanong sa puso niya. Lucio leaned in. “You look beautiful tonight,” sabi nito, marahang inaabot ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. Nagulat siya, ngunit agad ring ngumiti. “Thank you.” Ngunit kahit hawak ni Lucio ang kanyang kamay, ang mga mata niya ay kay Elio pa rin nakatingin. At si Elio, marahil ay nararamdaman ang tingin, ngunit pinipilit iwasan ito. Hanggang kailan? Ni siya ay hindi sigurado. Habang abala sa pagkain ang lahat, lumapit si Sabrina sa mesa ng staff, dala ang isang plato ng dessert. “Kuya Elio, gusto mo ng mango tart?” tanong niya, nakangiti ngunit may bahid ng paghahamon sa tono. Napatingin si Elio. “Ah, hindi na po. Salamat.” “Sigurado ka?” sabay upo sa tabi niya. “Masarap 'to. Ako pumili.” Hindi makasagot si Elio. Ramdam niyang may mata na naman sa kanilang hindi lang kay Sabrina, kundi mula rin sa dulo ng mesa ng mga bisita. Si Serena. “Ang tahimik mo,” ani Sabrina, bahagyang nilapit ang sarili sa kanya. “O baka naman... shy ka lang kapag kasama ako?” Hindi pa rin siya makasagot. Ngunit bago pa lalong uminit ang sitwasyon, may isang babaeng bisita ang lumapit sa kanila, hawak ang wine glass. “Oh hey! Kayo pala ‘yung duo kanina sa beach! You were so funny!” sabay kindat kay Elio. “Uh, salamat po,” sagot ni Elio, pilit na ngiti. “Sayang, I missed the... view. Pero I heard may show ka raw,” sabay tawa at akbay sana kay Elio. Bago pa nito maabot si Elio, tumayo si Sabrina at buong tapang na humarang sa gitna. “Sorry, hindi siya interested.” “Excuse me?” “Baka gusto mo sa kabilang mesa. May libre ring dessert doon,” ani Sabrina, matamis pero matalim ang ngiti. Napaatras ang babae, halatang napahiya. Nang makaalis ito, naupo ulit si Sabrina, at ngumiti kay Elio. “You’re welcome.” “Bakit mo ginagawa ‘to?” tanong ni Elio, tahimik ngunit may bigat ang tinig. “Hindi ko alam,” bulong ni Sabrina. “Pero ayoko lang na basta na lang siyang... hawakan ka.” At mula sa dulo ng mesa, muling tumama ang mata ni Serena sa eksenang iyon. Hindi niya namalayang napahigpit ang hawak niya sa baso. Hindi niya rin alam kung anong mas mahirap: ang makita si Elio na hindi niya maaaring angkinin, o ang makitang may ibang taong sumusubok na maagaw siya... kahit hindi pa siya kanya. --- Makalipas ang hapunan, nagsimula ang bonfire gathering sa tabing-dagat. May acoustic band na tumutugtog ng mellow jazz at OPM love songs habang ang mga bisita’y nagkukuwentuhan, may ilan pang sumasayaw sa buhanginan. May naglalakad-lakad din sa baybayin habang hawak ang wine, tila sinusulit ang malamig at maaliwalas na gabi. Si Serena ay nasa isang lounge chair, nakatingin sa nagliliyab na apoy. Suot niya ang beige shawl na ibinigay ng isa sa mga bisita, ngunit hindi iyon sapat upang painitin ang giniginaw niyang dibdib. Hindi dahil sa hangin. Kundi dahil sa kung sino o kung anong damdamin ang pilit niyang nilalabanan. Sa kabilang dulo ng bonfire, naroon si Elio. Tahimik, nakatayo lang habang nakikinig sa kanta. Hindi siya kasama ng ibang staff malayo siya, pero hindi rin umaalis. Para bang hinihintay ang kung anong hindi niya rin maipaliwanag. “Nice fire, no?” sabay tapik ni Sabrina sa balikat niya, biglang lumitaw. “Maganda po,” maikling sagot ni Elio, hindi tumingin. “Kanina ka pa tahimik. Kanina ka pa din parang nakatingin sa isang bagay na hindi mo kayang lapitan.” Napatingin si Elio, saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata. Ngunit hindi siya sumagot. “Hay nako. If I were her, I’d choose you,” ani Sabrina, sabay ngisi. “Pero hindi ako siya. At hindi ka rin para sa kanya… sabi ng mundo.” Napabuntong-hininga si Elio. “Pero paano kung ‘yung puso, ayaw sumunod sa mundo?” Walang sagot si Sabrina. Tumalikod siya, iniwan si Elio sa gitna ng mga aninong sinisikatan ng apoy. --- Sa di kalayuan, tumayo si Serena at naglakad palapit sa tabing-dagat. Suot niya ang kanyang beach sandals, ngunit pinili niyang alisin ito at maramdaman ang buhangin sa kanyang mga paa. Tumigil siya sa gitna ng dalampasigan, tinanaw ang buwan na tila masyadong maliwanag ngayong gabi. “Hindi ka natatakot sa dilim?” tanong ng boses mula sa likuran. Paglingon niya, naroon si Elio, nakasuot na ng gray hoodie at board shorts, may hawak na tuwalyang nakasampay sa balikat. “Hindi sa dilim,” sagot niya. “Pero sa pakiramdam na alam mong may mali, kahit wala ka pang ginagawa.” Lumapit si Elio. “Puwede bang umupo?” Tumango si Serena. Umupo sila sa buhangin, tabi ng isa’t isa. Tahimik. Ang alon ang nagsilbing musika sa kanilang pagitan. “Ayaw ko sanang pumunta rito,” sabi ni Serena. “Bakit?” “Dahil alam kong... makikita ulit kita. At ayokong maramdaman na gusto kong ulit-ulitin ‘yon.” Hindi agad sumagot si Elio. Tumitig lang siya sa dagat. “Sa lahat ng puwede mong mahalin,” ani Elio, mababa ang tinig, “bakit ako?” Napalingon si Serena. “Hindi ko rin alam. Baka dahil ikaw lang ‘yung totoo sa mundong puro peke. O baka dahil... sa dami ng hindi ko puwedeng gawin, ang umibig sa’yo ang pinaka-bawal pero pinaka-tama.” Napakagat-labi si Elio. “Baka bukas, hindi na ako nandito.” “Baka rin bukas, wala na ‘yung tapang ko.” Nagkatinginan sila. Tahimik. Ngunit ang titig nila ay mas malakas kaysa anumang sigaw. Lumapit si Elio, marahang inilapit ang kamay sa kamay ni Serena hindi pa hinahawakan, pero naroon lang. Nag-aabang ng pahintulot. “Kung hahawakan kita ngayon,” bulong niya, “wala nang atrasan.” “Wala naman talagang atrasan sa nararamdaman,” sagot ni Serena, dahan-dahang isinandal ang kanyang palad sa palad ni Elio. At sa unang pagkakataon, walang sino mang nakaharang, walang kasinungalingan. Silang dalawa lang. Sa harap ng dagat. Sa likod ng alon. Ngunit mula sa di kalayuan, isang pares ng mata ang nakamasid sa kanila. Nakaupo sa itaas ng balcony ng guesthouse. Hawak ang basong may natitirang wine. Si Lucio. At sa kanyang mga mata, hindi galit ang naroon kundi tanong. At sa ilalim ng tanong na iyon, ay isang misteryong matagal na niyang kinikimkim. “Elio...?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD