CHAPTER:2

2130 Words
Tanghaling tapat. Tahimik ang buong compound maliban sa kaluskos ng tubig sa likod ng mansion. Sa ilalim ng araw, lumulutang ang pawis at alon ng init. Sa gilid ng pool, nakatuwad si Elio, walang suot na pang-itaas, habang pinupunasan ang tiles. Ang suot lang niya ay manipis na gray na shorts at dahil sa init at tubig, halos dumikit na ito sa balat. Elio (sa isip, habang nagsasabon): ''Bilis-bilisan, baka abutan ako ng mga bisita.'' wika nito sa sarili habang nagsasabon sa gilid ng pool. --- Sa harap ng mansion, isang flashy sports car ang huminto. Mula rito, bumaba ang kumikinang sa confidence at highlighter si Gello, ang fashionista at matunog magsalita na kaibigan ni Serena. May dala siyang garment bag at energy na pang-red carpet. "HELLO, mga tagasunod ng ganda! May dala akong bihis para sa reyna ng gabi. Open sesame, mga mortals!" sigaw nito habang pababa ng kanyang sasakyan. Nag sisigaw ito sa pangalan ni Serena ngunit walang suma lubong sa kanya kahit isa man lang kasambahay ay wala. kaya na pag desisyonan nitong mag lakad-lakad sa loob ng bahay. Pagkatapos ng kaunting lakad sa loob ng bahay, at dahil wala siyang mahanap na kasambahay o si Serena, lumibot si Gello at napadpad sa.... POOL AREA. At doon, nabura ang kanyang pangarap at panata sa kalinisan ng isipan. --- “WAIT LANG...Wait lang talaga...Ano ‘to, Lord? Bakit parang ang shorts ay gawa sa... hamog?” buong nito sa sarili ng masilayan si Elio. Hindi gumagalaw si Gello. Tila na-paralyze siya sa kanyang nakita. Ang bawat galaw ni Elio mula sa paghakbang, hanggang sa pag-inat ng likod ay may sariling soundtrack sa utak ni Gello: dramatic string music at mga angelic choir. --- “Magandang hapon po.” mahinhing wika ni Elio nang makita niya si Gello pag angat niya ng tingin. "Kuya... excuse me po... pero hindi ako ready. Wala ka bang... lining man lang diyan? Kasi parang... buong identity mo na ang sumasalubong sa’kin." naka ngiting wika nito sabay hawak sa kanyang dibdib na tila may prosesyon sa sobrang lakas ng tunog. “Pasensya na po. Wala po kasi akong dalang extrang shorts. Medyo manipis po pala ’to.” napangiting wika ni Elio sabay kamot sa kanyang batok. "Oo nga, kuya. Manipis. Pero ’yung effect... matindi. Parang may... umaalog na kabutihang hindi ko karapat-dapat masilayan." mahinhing wika nito sabay sandal sa pader. At habang pinapawisan si Gello dahil sa init ng panahon sabay pa sa init ng pader kung saan siya sumandal na halos maluto na ang kanyang likod sa init ay biglang dumating si Serena, nakabihis ng puti na robe at bagong ligo. “Gello? What are you—OH MY G— Elio?!” sigaw nito. “Sis! Bakit mo ’ko pinabayaan?! Bakit ako walang warning na may angel na naka-short ng kasalanan dito sa likod?!” wika nito habang mabilis na suma lubong kay Serena. Serena (namumula): “Elio, okay ka na. Pahinga ka muna. Ako na bahala kay Gello.” wika ni Serena habang namumula ang buong mukha na halos sasabog na sa sobrang pula. “Opo, Ma’am. Pasensya na po ulit.” umiiling habang naka ngiting wika ni Elio. --- Habang papalayo si Elio, dumikit ang shorts sa kanya sa bawat hakbang. At si Gello... halos mabuwal. “Serena.....Sis....hindi ako makahinga. Parang... may sarili siyang gravity. Kung ako ay isang babae... malamang buntis na ko sa titig pa lang!” namumulang ambit nito sabay hawak sa braso ni Serena. “Tumigil ka na nga.” sabay alis sa kamay ni Gello at umiwas ng tingin kay Elio. “Girl...Aminin mo. Iba ’yung tingin mo sa kanya.” sumeryoso bigla ang tuno ng bosses nito “Hindi ko siya gusto.” mahinang sagot ni Serena. “Pero gusto mo yung feeling na ikaw lang ang hindi niya binibiro.” “Hindi dapat. May fiancé ako.” mahinang sagot nito kay Gello. Sa loob-loob ni Serena, kumakabog ang damdaming hindi niya alam kung saan lulugar. Pero isa lang ang malinaw: Hindi kayang burahin ng kahit anong damit si Elio sa isip niya lalo na kung ang suot nito ay halos... wala. --- Gabi na. Sa loob ng Villanueva mansion, kumikislap ang mga kandila sa mahabang dining table. Crystal glasses, ginto’t pilak na kubyertos, at menu na parang ginawa para sa royal family. Pero kahit gaano kaganda ang set-up… wala sa pagkain ang atensyon ni Serena. "Bakit parang ang init pa rin? Hindi ba naka-aircon dito? O baka... epekto lang ng... gray na shorts. Focus, Serena. Focus. You’re marrying Lucio." bulong nito sa sarili habang naka upo sa gitna ng magarang lamesa. “You look radiant tonight, love.” naka ngiting wika ni Lucio habang naka pogi mode. “Thanks, Lucio. You too. Very... structured.” sagot nito habang pilit ang ngiti. “That’s Armani. Dad picked it.” wika ni Lucio habang hinawakan ang nanlalamig na kamay ni Serena. "Wala kayong panama sa basang shorts at V-line ni Elio kahapon. Wait—what?! Stop it, brain!" wika nito sa sarili habang naka ngiti. Habang nag-uusap ang dalawa ay biglang dumating ang Mommy ni Lucio. Magara ang suot nitong dress at mga alahas. Matapang ang cheekbones nito at biglang sumabat sa usapan nila Lucio at Serena. “So, Serena. Tell me. When is the wedding date?” matulis ang tono. “We’re still finalizing it, po. Maybe next quarter." napalunok namang sagot ni Serena. “We need it before the fiscal year ends. For both families’ alignment.” sagot naman ng Daddy ni Lucio habang naka ngiting sumalubong kay Serena. “She agrees. Don’t you, anak?” wika naman ng adopted mom ni Serena. Serena (ngumingiti pero kinakabahan): “Yes... of course.” naka ngiting sagot ni Serena habang nangangatog ang tuhod nito sa sobrang kaba. --- Sa gilid ng silid, tahimik na naglalagay ng wine si Elio. Suot na niya ngayon ang formal uniform ng mga staff maayos, nakabutones, pero hindi niya maikubli ang presence niya. Tahimik siyang gumagalaw pero bawat hakbang niya, ramdam ni Serena. Elio’s eyes meet Serena’s for a second. Walang sinabi. Walang ngiti. Pero may dagundong. “Oh—sorry.” wika ni Serena nang mabitawan ang hawak nitong kutsara. “You okay? kanina ka pa hindi mapakali at nanlalamig pa ang kamay mo is there something wrong?" pabulong na wika ni Lucio habang pa lihim na hinawakan ang kamay ni Serena sa ilalim ng mesa. “Yeah. Just… butter fingers.” sagot ni Serena sabay Iwas ng tingin. At dahil napansin rin ni Gello ang kaibigan, agad itong lumapit at bumulong. “Butter fingers mo, oo. Pero utak mo... butter din. Ano ba ‘yan, Serena? Nadudulas ka kahit hindi ka pa nakakatikim.” Pero hindi paman naka sagot si Serena sa kaibigan ay napalingon ito kay Elio habang hawak ang isang wine at wine glass. "Hindi ko siya dapat tignan. Hindi ko siya dapat isipin. Pero bakit... parang siya lang ang totoo sa mundong ‘to?" bulong nito sa sarili. At dahil sa wala sa sarili si Serena sa mga oras na iyon ay agad itong napansin ng Mommy ni Lucio. “Are you sure this is the girl, Lucio?” pabulong na wika nito habang nakakunot ang noo. “She’s more than enough Mom, kinakabahan lang siguro siya." nakangitang sagot ni Lucio. “She better be. We don’t want surprises.” sambat naman ng Daddy nito habang tumikhim. --- Pagkatapos ng hapunan, sa hallway... Serena walks fast, hawak ang dibdib. Di makahinga. "Hindi ako makatulog nang ganito. Kailangan kong makausap si Elio, bakit ko gustong marinig ang bosses niya?" wika nito sa sarili habang nag mamadaling naglalakad patungo kay Elio. --- And as if sinagot ng tadhana, sa may hallway paakyat sa kanyang kwarto nandoon si Elio. Nasa ilalim ng dim light, hawak ang tray ng tsaa para sana sa kanya. Nagkatinginan sila. Tahimik. “Mainit pa po, Ma’am. Ingat sa paghawak.” mahinang wika nito habang naka ngiting nakatingin kay Serena. “Too late. Kanina pa ako nasusunog.” sagot naman ni Serena habang nakatawa. “Dahil sa tsaa po ba... o sa ibang bagay?” “Wala sa menu ‘yung tanong na ‘yan.” naka ngiting sagot ni Serena. “Kung may bumabagabag po sa inyo, puwede n’yo pong sabihin.” mahinang wika ni Elio sabay lapit ng bahagya kay Serena na may pag-alala sa mga mata. “At kung ikaw ang bumabagabag sa’kin... kanino ako lalapit?” bulong ni Serena sa sarili. --- Hatinggabi. Tahimik na ang buong mansion maliban sa kaluskos ng hangin at ilang nahuhulog na dahon sa likod. Sa veranda malapit sa kusina, may liwanag ng ilaw na kulay amber na parang alon ng alaala sa kalmadong gabi. Naroon si Elio, nakaupo, hawak ang isang tray ng tsaa. Nakasuot siya ng simpleng sando at gray na shorts (oo, iyon na naman), at tila iniisip kung ilang beses pa ba niyang kayang tingnan si Serena nang hindi bumigay ang sariling damdamin. “Hindi ka pa natutulog?” mahinang wika ni Serena. “Hindi po kasi ako mapakali. Medyo mainit.” bahagyang napalingon sa gulat na sagot ni Elio. “Tayo pala pareho.” naka ngiting sagot ni Serena. Lumapit si Serena patungo sa bench kung saan naka upo naman si Elio. Umupo si Serena sa kabilang gilid ng bench, isang dipa lang ang pagitan nila. Pareho silang tahimik sa unang sandali, pero may kung anong alon na pumapagitna sa kanila hindi tubig, kundi damdaming gustong mabigkas. “Tuwing ganitong oras… gusto ko sanang matahimik. Pero kapag may kasama ako na tulad mo, parang gusto ko namang magsalita.” wika ni Sarena. Biglang napatingin si Elio kay Sarena sa kanyang narinig. “May mga katahimikang uhaw, Ma’am. Hindi tubig ang hanap… kundi pakinggan.” naka ngiting sagot nito. Bigla silang napangiti. Hindi pilit, hindi awkward. Kundi totoo. Sa kabila ng lahat, doon sa dilim ng gabi, may liwanag ng pag-unawa. “Bakit parang ang dali mong basahin ako?” naka ngiting wika ni Serena. “Siguro kasi hindi ako nakatingin sa kung anong suot mo, kundi sa kung anong gusto mong itago.” pasupladong sagot ni Elio. At bago pa man sila tuluyang malunod sa titig ay biglang may bumasag sa katahimikan nang gabing iyon. “SERENAAAA!!!” Isang medyo lasing na boses ang sumabog mula sa loob ng mansion. Nagulat silang pareho. Tumayo si Serena agad. Si Elio naman ay bahagyang umatras, mabilis ang t***k ng dibdib. Bumungad si Sebastian, ang kapatid ni Serena sa ampon. Gwapo, matangkad, pero halatang lasing nakangiti na parang hindi niya alam kung saan siya galing o sino ang kausap niya. Pumalakpak ito habang papalapit sa dalawa. “Ooohhh, look at this! A midnight date with the houseboy? Very... indie film.” naka ngiting wika nito sabay hawak sa balikat ni Elio. Hindi mapigilan ni Serena na mairita sa kapatid kaya napa sigaw ito ng bahagya. “Sebastian, lasing ka na naman?!” Pero nakangiti lang ang kapatid nito habang inilapit ang mukha nito kay Sarena. “Ate.....I'm not drunk... just emotionally hydrated.” nakatawang sagot nito. “Good evening po, Sir Sebastian.” naka ngiting wika ni Elio. Napatitig si Sebastian kay Elio at Lumapit ito sabay turo. “Ikaw, bro. You’re too good-looking to be cleaning pools. Are you sure you're not auditioning for a telenovela?” nakatawang wika nito habang tinapik-tapik ang likod ni Elio. “Seb, umakyat ka na. You’re embarrassing yourself.” galit na wika ni Serena. Na tahimik ito bigla at napatitig sa kapatid. “But I’m already embarrassed… by how obvious it is na may tension dito. You two should just... kiss or something.” supladong sagot nito. Halos mag mukhang bomba na naman ang mukha ni Serena dahil sa sobrang inis at galit kay Sebastian. “SEBASTIAN!” sigaw ni Serena sabay hawak sa mukha ng kapatid. Ngunit tumatawa lang ito. “Okay, okay! Calm down, Ate. I'm going. But Elio…” Tumuro siya muli, seryoso sa gitna ng kalasingan. “…Don’t fall for her. Not unless you’re ready to drown.” matapang na wika nito habang nakaturo kay Elio. Tahimik. Naglakad si Sebastian paakyat, pa-sway-sway, hanggang sa mawala sa paningin. Naiwan sina Serena at Elio parehong nagulat, parehong hindi makapagsalita. “Pasensya na po. Baka dapat pong hindi ko na kayo istorbohin.” mahinang wika ni Elio. Napatingin naman si Serena. “Hindi ikaw ang istorbo, Elio.” naka ngiting sagot nito. Tahimik na muli. Ngunit mas mabigat. Mas kumplikado. “Goodnight.” mahinang wika ni Serena. “Goodnight din sayo Maam.” naka ngiting sagot ni Elio. Dahan-dahang umakyat si Sarena ng hagdan patungo sa kanyang kwarto ngunit habang papalayo siya, naramdaman nilang pareho na hindi na lang simpleng pagtitig ang sumisiksik sa pagitan nila. May damdaming naglalaban... sa pagitan ng tama at totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD