Mainit ang araw nang bumaba si Serena mula sa itim na SUV na humimpil sa harap ng lumang bahay-bakasyunan ng mga Monteverde. Naka-sunglasses siya, ngunit hindi iyon sapat upang maitago ang pagod sa kanyang mga mata. Mula nang bumalik si Elio sa villa, hindi na siya tinantanan ng mga tanong sa kanyang isip. At ngayon, narito siya, pilit hinahanap ang mga sagot kahit sa gitna ng katahimikan ng lugar. Tahimik ang paligid. Ang mga halaman sa gilid ng bahay ay tila nag-aabang din ng anumang mangyayari. Sa kabila ng lahat, may kakaibang lamig sa hangin, kahit pa tirik na tirik ang araw. Inabot niya ang doorknob at dahan-dahang pinihit ito. Bumukas ang pinto, at isang alikabok ang sumalubong sa kanya. Ngunit higit pa roon, ang alaala. Ang lumang villa na ito ay dating tagpuan nila ng kanyang am

