Ang hangin sa Monteverde estate ay tila mas mabigat kaysa dati. Lahat ng kilos ni Serena ay pinag-iisipan niya nang ma buti mula sa pagpili ng kasuotan hanggang sa pagtapak sa bawat marmol na sahig ng mansion. Mula nang maging mas malapit sila ni Elio, ramdam na niya ang mga matang sumusunod sa kanya, lalo na si Sabrina. "Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Tita Rowena habang sabay silang nag-aalmusal sa veranda. "Pagod lang siguro, Tita. Madami lang din iniisip," sagot niya habang pilit nginitian ito. Pero sa loob niya, nag-uunahan ang mga tanong: Hanggang kailan niya maitatawid ang nararamdaman kay Elio? Hanggang kailan niya maitatago ang koneksyon nilang dalawa? Walang kamalay-malay si Serena na sa kabilang dulo ng veranda, si Sabrina ay lihim na nagmamasid. Nakasuot ito ng puting besti

