CANDIS' POV Halos hindi ako makapag-concentrate sa paglalampaso ko dahil sa sinabi ni Mimi kaninang umaga. Pagbaba ko kasi kagabi para sana magluto ng dinner ay nadatnan kong mayroon ng mga pagkain sa hapag. At sa sobrang pagkabigla ko ay nakita ko doon ang pinaka paborito kong papakin! Fries, sundae at siomai! Buong akala ko ay si Mimi ang bumili ng mga iyon dahil alam n'yang paborito ko. Madalas kasi ay bumibili ng mirienda si Mimi sa labasan at hindi n'ya ako nakakalimutang bilhan ng para sa akin. At dahil natagalan kami sa pag-uwi galing sa botique ay akala ko sadyang iniwan n'ya yon para sa akin. Kanina n'ya lang sinabing galing ang mga `yon kay Mavy dahil tinanong daw nito ang favorite snacks ko. Kinikilig na kinantyawan n'ya pa ako kanina na tinaasan ko lang ng kilay. "Ano `yon? E

