CANDIS' POV "Ang cute cute talaga nitong batang 'to! Hmmmmmmmm! Nakakagigil!" rinig kong sabi ni Tara habang nilalaro si Aaron. Nandito kasi kami sa botique. Nakakainip kaya sa bahay. Mabuti na lang at pinapayagan ako ni Mavy na dalhin si Aaron dito. "Dapat lang, aba! Model ang Nanay n'yan at super duper hot naman ang Tatay!" singit naman ni Bessy na abalang nagsusuot ng damit sa mga manequins. "Hep hep! Plus pa ang Tito na super mega duper hot!" patiling sabi ni Tara habang kinikilig kilig pa. Napalingon ako sa babaeng pumasok sa botique. Nakatagilid s'ya at medyo halata na ang umbok sa tyan n'ya. Agad na kinuha ko si Aaron kay Tara para maistima n'ya `yong bagong dating na customer. "Ano `yon, Sister?" malanding tanong ni Tara doon sa babae. Ipinilig ko ang ulo nang mamukhaan ang

