MAVERICK'S POV Nagising ako na parang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Napahawak agad ako sa sentido ko at hinilot hilot `yon. "Ugh.." pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. The last thing I remember was I went out with Hazel and she invited me in the opening of her friend's bar. And because I was bothered by Lyndon's words the whole day sumama na rin ako para makapag-relax sa pamamagitan ng alcohol. Napatingin ako sa soot ko. Sandong puti na lang at boxer shorts. Teka? Sinong nagbihis sa akin? Don't tell me si Hazel? Pilit kong inaalala pero wala talaga akong matandaan. Ang alam ko lang, she drove me home and... Halos mapamura ako nang maalala ang nangyari sa gate. "It was Candis. S'ya `yong kasama kong pumasok dito sa bahay. Did she undress me?" Napahilamos ako sa mukha

