MAVERICK'S POV "Direk, okay na po `yong sa YEZ Mag," nakangiting sabi sa'kin ni Max. "How about the new commercial of Cleamsilk?" "Okay na rin, Direk, may konti lang pong inaayos but it'll be fine," kampanteng sagot nito. Tiwala naman ako dahil kabisado ko na s'yang magtrabaho. "Great, Max. And... you can take your 3 days vacation leave," hindi nakatinging sabi ko sa kanya. Last week kasi ay nagpaalam s'yang magli-leave pero hindi ko pa sinasagot dahil naging busy ako sa pagpeprepare para sa gagawing next commercial. Ang hirap mag-isip ng concept kahit pa nga shampoo lang ang ieendorse. "OMG, Direk, thank you so much!" tuwang tuwang sabi ni Max. Bahagyang nginitian ko lang s'ya ng magpaalam na s'ya. "Ahm, Direk?" napatingin ulit ako sa kanya nang tawagin n'ya ko. Nasa tapat na s'ya n

