CANDIS' POV Nagulat ako kinabukasan nang may di inaasahang bisita ang dumating sa bahay ni Mavy. "Lyndon?" kunot noong bungad ko sa kanya. And as usual, nakangiti na naman s'ya. Pero teka, ano'ng ginagawa n'ya dito? "Pwede bang pumasok?" nakangiting tanong nito. Agad na niluwangan ko naman ang pagkakabukas ng gate. "Oo naman! Tuloy ka." "So, bakit ka nga pala napunta dito, Lyndon?" tanong ko nang makaupo na kami sa sala. "Masama bang dalawin ka?" nagulat naman ako sa sinabi n'ya. Bakit naman n'ya ko dadalawin? Nakita kong ngumiti ulit s'ya. Grabe, mas lalo s'yang gumagwapo pag nakangiti s'ya. "Candis.. I have a favor to ask kaya ako nandito," simula n'ya. "Tungkol saan?" "Naalala mo yung napag-usapan natin nung hinatid kita sa botique? About the offer?" Nanlaki ang mga mata ko da

