CANDIS' POV Kakatapos lang naming magdinner at nakita kong umakyat na sa taas si Mavy. Ang walanghiyang lalaki, walang ginawa kung hindi manakot! Manyak talaga! Mukhang may balak pa s'yang ulitin yong walang pakundangang paghalik n'ya sa akin! Baka gusto n'yang tuluyan ng mabasag ang iniingatan n'yang mga bola pag nagkataon? Inis na pumasok ako sa kwarto at napaupo sa kama. Nakita ko ang paper bag na pinaglalagyan ng gift ko sa kanya. Napasimangot ako. Parang nawalan ako ng ganang regaluhan s'ya. Nakakainis kasi! Humiga ako at agad ding napabangon. "Sayang naman kung hindi ko ibibigay. Ang mahal mahal pa naman ng bili ko `don," bulong ko sabay kuha sa paper bag. Tumayo ako at kumatok sa katapat na kwarto. "Come in," rinig kong sabi n'ya. Tumaas agad ang kilay n'ya pagkakita sa akin.

