CANDIS' POV "Saan ho kayo galing, Manang?" tanong ni Mimi kay Manang Rosa pagkapasok nito sa kusina habang ako ay abala sa paghahalo ng kaldereta para sa dinner namin. Si Mimi naman ay abala sa paggawa ng dessert. "Tinignan ko lang si baby Aaron at baka gising na," sagot naman ni Manang. Napatingin naman s'ya sa gawi ko. "Bakit ho, Manang?" tanong ko habang tinitikman `yong kaldereta. "May pagtingin ka ba kay Lyndon, ha Candis?" Halos masamid ako sa tanong na `yon ni Manang Rosa. Pagkatapos ay napatawa. "Manang naman, eh," "Oh eh bakit? Posible namang magustuhan mo si Lyndon. Isa pa, sobrang bait ng batang `yon," Napaisip din ako dahil sa sinabi n'ya. Oo nga at sobrang bait ni Lyndon. Halos lahat nga yata ng gugustuhin mo sa isang lalaki ay nasa kanya na. Napaka-ideal na n'ya kumbag

