Tila Kabayong naguunahan sa pagtakbo ang dibdib ni Nikki dahil sa sobrang kabang nadarama ng mga oras na iyon. Dumagdag pa ang pagsakit ng kanyang tiyan kaya napapikit na lang siya at nagdasal ''Lord tulungan mo po ako please! kung meron na pong laman itong tiyan ko huwag ninyo po kaming pabayaan please''dasal niya ng mga sandaling iyon.
Nang mag ring ang telepono niya agad niyang pinindot ang silent upang hindi malaman ng humahabol sa kanya kung nasaan siya. Pinilit isiksik ni Nikki ang kanyang katawan sa sulok ng Eskinita na may Lalagyanan ng Basurahan. Minsan pa ay narinig niya ang yabag ng humahabol sa kanya na lalaki.Kaya bigla niyang naitakip ang dalawang kamay sa kanyang bibig.
Ilang beses pa muli tumunog ang kanyang telepono ngunit hindi niya maaring sagutin iyon dahil nararamdaman parin niya ang ilang pahinto-hintong lakad nito. Nag kataon naman at hindi matao sa lugar na iyon ng mga oras na iyon kaya wala siyang mahingan ng tulong.Tanging ang malaking basurahan lamang ang naging panakip niya sa katawan upang hindi siya makita ng lalaki.
Maya-maya pa ay nakarinig na si Nikki ng tila kaluskos ng kung anong bagay.Ngunit hindi parin nya nanaisin na lisanin ang pinagtataguan ng mga sandaling iyon. Sunod-sunod na panalangin ang ginagawa niya upang kahit papaano ay maibsan ang takot na nadarama.
Nang magvibrate nanaman ang kanyang cellphone ay nakita niyang tumatawag naman sa kanya si Spark at sunod nito ay pinadalhan siya ng mensahe na kung maari ba niyang makuhanan o mavideohan ang lugar na kinaroroonan niya upang mabilis siya mahanap nito. Ilang saglit pa ay dahan-dahan niya binuksan ang camera ng kanyang cellphone at pagkuwa'y inilibot na ang lente nito sa paligid.
Ngunit tila hindi sumasangayon sa kanya ang tadhana dahil ng ilibot niya ang lente ng camera ay nahagip nito ang imahe ng lalaking humahabol sa kanya,at papunta na ito sa kanyang direksyon. Walang tigil sa pagtahip ang kanyang dib-dib habang nararamdaman niyang papalapit na ito sa kanyang pinagtataguan. Nang matagpuan siya nitong nasa isang sulok ay agad siya nitong hinawakan sa braso at pagkuwa'y dali-daling kinaladkad.
''Mr! Please! Please! dont hurt me Mister! What do you want from me please! Im begging you Please! I'm pregnant! Sunod-sunod ang kanyang pagmamakaawa sa lalaki ngunit tila wala itong naririnig sa mga sinasabi nya. Ngunit sadyang tila eksperto ito pagdating sa ganoong gawain Minsan pa ay nararamdaman niya ang paninigas ng kanyang puson habang s*******n siya nitong kinakaladkad at patungo sa hindi niya alam na direksyon.
Minsan pa ay nagmakaawa siya dito na bitiwan na at pakawalan ngunit hindi parin siya nito pinapansin tuloy-tuloy parin ito sa pagkaladkad sa kanya. At nang marating nila ang tila nakaparadang sasakyan ay agad nito umanong binuksan iyon at pilit siyang pinasasakay. Nang makakuha siya ng tiyempo ng sandaling iyon ay nagpupumiglas siya at ibinato niya sa lalaki ang dala-dala niyang pouch.
Dahilan upang mapukol niya ito sa muka at pagkuwa'y Nagtatakbo nanaman siya na tila nakikipagmarathon sa bilis. Nang mga oras na iyon tila sasabog na ang kanyang dibdib sa pagod ngunit hindi siya nagpadaig sa takot at nang makakita nanaman siya ng makipot na eskinita ay agad niya itong pinasok at lumabas sa kabilang kalsada.
Nang makalabas na siya sa eskinitang makipot Isang humaharurot na sasakyan ang kanyang nakita at agad niya itong tinantiya kung ito ba ang sasakyan ng humahabol na lalaki,at ng matantiya niyang hindi ito ay agad niya itong pinara. Biglang tigil naman ito sa harapan niya at biglang bukas ng pintuan ng passenger seat.
''Come on Nikki faster!!''Sigaw ng pamilyar na boses na iyon. Nang maaninag niya ang imahe nito ay laking gulat niya dahil ang lalaking iyon ay si Spark. Minsan pa ay tumingin siya sa paligid at inilibot ang paningin kung nailigaw ba niya ang lalaking humahabol ngunit nasundan pala siya nito kaya Dali-dali ay sumakay na siya sa Sasakyan ni Spark at pagkuwa'y pinaharurot na ng binata ang sasakyan.
Sunod-sunod parin ang naging paghingal niya ng makasakay na siya sa sasakyan.Tila naman napawi ang mga takot sa kanyang isipan sandali pa ay kinausap na siya ng binata at tinanong siya. ''Are you okay?! Damn!! Who is that ashole??? sunod sunod na tanong ni Spark sa kanya ng tila unti unti ng humuhupa ang paghingal ay inuulat na niya dito isa isa ang mga pangyayari at kung paano siya nasundan ng lalaking iyon.
Laking pasasalamat niya kay Spark at natunton siya nito at pagkuwa'y tinanong niya ang binata kung paano niya siya nito natunton. ''Thank you so much Spark, But how do you find me? Pagtatakang tanong niya sa binata. ''Remember? You send me those pictures that I asked you?paliwanag nito ngunit hindi niya alam ang isasagot sa binata.
Dahil hindi niya alam na nagsend pala ito.Laking pasasalamat niya sa itaas at nagsend pala ang mga larawan na kinuhanan niya upang matunton siya ni Spark. Panay tingin naman ang binata sa kanya at alalang alala sa kanya bigla nanaman kasing sumakit ang kanyang puson. At bigla ay napahawak sa sa tiyan niya dahil tila may anong init siyang nararamdaman ng sandaling iyon.
Maya-maya pa ay tila naman siya nahilo kasabay ng tila may likidong mainit ang lumalabas sa pagitan ng dalawang hita niya. At nang bumaba ang kanyang tingin sa kanyang suot na damit ay tila may bakas ito ng dugo, at tuloy-tuloy ang pagdaloy nito sa kanyang mga binte. Agad naman siyang nataranta at pagkuwa'y napakapit sa kinauupuan.
Nang mapansin naman ito ni Spark ay nataranta na rin ang binata. ''What happen Nikki? My god! your bleeding??''.tarantang tanong nito sa kanya. Hindi naman makapagsalita ng oras na iyon si Nikki dahil natatakot siya na mawala ng tuluyan ang bata sa kanyang sinapupunan. Pagiyak lang at paghagulgol ang tanging gustong lumabas sa kanyang mga bibig. Ngunit napansin naman ng binata na tila may sumusunod sa kanila ng mga sandaling iyon kaya naman mas lalo pa nitong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan habang si Nikki naman ay hindi parin tumitigil sa pagiyak.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone na hawak ni Nikki at rumehistro ang numero ng kanyang Fiance na si Jonathan.AgAd naman sinagot ito ni Nikki upang ipaalam ang kalagayan niya at ng pindutin niya ang kanyang cellphone ay sumalubong sa kanya ang paghihisterical na boses nito. ''For pete sake Nikki!! Honey!, Where the hell are you?" Malakas na wika nito sa kabilang linya tila naman hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang mga pangyayare.
Puro iyak lamang ang nagiging tugon niya sa binata kaya naman panay tawag nito sa kanyang pangalan.''Nikki! Nikki! Honey! Please talk to me, Did you know that I am f*****g Crazy right now!! I dont know where to find you, Please tell me hONEY! Where the hell are you?!!!'' Sunod sunod na litanya nito sa kanya. Kaya ng hindi na makatiis pa si Spark ay agad naman niyang kinuha ang cellphone ni Nikki at siya ang nakipagusap kay Jonathan.
''Hey! its me Spark Im with her right now, And I dont have a time to explain to you why?, because as a matter of Fact someone is chasing us!!'' Mabilis na paliwanag ni Spark kay Jonathan.''Agad naman naunawaaan ito ni Jonathan at pagkuwa'y tinanong nito si Spark kung nasaan na sila.At mabilis naituro ang tinatahak nilang kalsada.
Ngunit tila naman nangangarera ang lalaking humahabol sa kanila sa tulin ng pagpapatakbo nito sa dalang sasakyan. Nang maabutan sila ay agad nitong binuksan ang bintana ng sasakyan at pagkuwa'y inilabas ang b***l at pinaputukan sila. Agad naman naiiwas ni Spark ang sasakyan sa sunod sunod na paputok nito sa kanila. At hindi na napigilan pa lalo ni Nikki ang maghisterical ng sandaling iyon.tila kasi nasa pelikula sila ng mga oras na iyon.
Maya-maya pa ay tumawag muli si Jonathan sa cellphone ni Nikki at kinausap si Spark. Tila nagkasundo naman ang dalawa sa gagawing pagpigil at paghuli sa lalaking nanghahabol kay Nikki. Muli pa ay may tinawagan si Spark at pagkuwa'y ibinaba na nito ang telepono patuloy parin nitong pinapakalma si Nikki na tila hihimatayin na sa nerbyos. ''Nikki please Calm down sweetie!.We are heading on the hospital just stay calm please''.Pangaalo nito sa dalaga.
Ngunit hindi parin ito tumitigil sa pag iyak. Maya maya pa ay sinipat ni Spark ang side mirror ng sasakyan tinatantiya niya kung sinusundan parin sila nito. Muli pa ay may narinig si Nikki na sunod sunod na putok ng b***l sa kanilang likuran. Kaya dali-dali ay hinawakan ni Spark ang kanyang ulo upang maiyuko siya nito.Nanginginig na hinawakan niya ang kanyang dalawang tainga upang matakpan ang ingay ng alingawngaw ng putok na iyon.
''Sweetie just stay put in that position and dont lift up your head'' pagpapaliwanag nito sa dalaga.Ilang sandali pa ay may narinig na silang wang wang ng sasakyan kaya muli pa ay tumingin si Spark sa side mirror ng sasakyan at pagkuwa'y bumuntong hininga na ang binata. Sa wakas at may nakasunod ng mga nagpapatrol na pulis sa kanila.
Muli Ay tumunog nanaman ang cellphone ni Nikki at rumehistro ang numero ni Jonathan at pagkuwa'y sinagot na niya ito.''Nathan'' tanging wika niya sa kanyang Fiance hindi parin kasi maiwasan ni Nikki ang maiyak lalo na at dinudugo parin siya ng mga oras na iyon. Hindi niya parin masabi sa Fiance ang nangyari sa kanya at agad nanaman hinablot ni Spark ang cellphone kay Nikki at ito ulit ang nakipagusap kay Jonathan.
''Hey we are heading on the hospital, she is Bleeding right now!''wika nito kay Jonathan at ipinaliwanag na nito ang nangyare at kung saang hospital sila pupunta. Ilang sandali pa at narating na nila ang hospital at dali-dali ay tinangal ni Spark ang seatbelt at mabilis na bumaba sa sasakyan. At pagkuwa'y binuksan ang pintuan ng kinaroonan ng dalaga at kinarga si Nikki papasok ng hospital nagmamadali naman ang ilang staff ng hospital at mabilis silang sinalubong dala dala ang stretcher at doon ay dahan-dahan inihiga ni Spark ang dalaga.
Tila naman unti-unti nawawalan ng malay si Nikki dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya. Habang papasok ng hospital hindi parin binibitawan ni Spark ang mga kamay ng dalaga upang pigilan itong makatulog. At nang marating na nila ang emergency room ay pinigilan na ng mga Staff nurse ang binatang makapasok sa loob.
''Sir are you the guardian or a Husband of this patient?'' Tanong ng Doktor at agad naman sumagot si Spark at agad naman iniabot ng Doktor ang Waiver form at agad siyang pinapirma. Hindi na nakuha pa ng binata na magisip at dali-dali ay pinirmahan agad ang form upang maasikaso na si Nikki at malunasan.
Nang maipasok na si Nikki sa loob ng E.R ay agad naman tinungo ni Spark ang waiting chair sa labas nito at duon ay umupo ang binata. Habang hinihintay matapos gamutin ang dalaga.Maya-maya pa ay siya naman dating ni Jonathan at ang ilang tauhan nito at naghihisterical na ito at naghihiyaw na tinatawag si Nikki. Ngunit agad naman nilapitan ito ni Spark upang pakalmahin at ipaliwanag dito na nasa loob na ng e.r si Nikki at nilulunasan na.hindi naman maiwasan ni Jonathan na silipin maya't maya ang loob ng kwartong kinaroroonan ng dalaga.
Nakamasid lang si Spark sa paulit-ulit na pagsilip ni Jonathan at pagkuwa'y tinapik ni Spark ang balikat. At nagpaalam na muna itong may ilan lang aayusin dahil naroroon na ang ilang pulis ng italya upang hingian sila ng Statement sa naganap na trahedya ngunit nagpaubaya naman si Spark na magbigay ng Statement dahil siya ang mas nakakaalam ng pangyayari,at para narin may maiwan sa paghihintay sa kondisyon ni Nikki.
Agad naman pinalabas muna ni Jonathan ang ilan sa mga Body guard niya upang mapagisa. Tila kasi hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama kay Nikki. Ilang oras ding naghintay sa waiting chair si Jonathan at tila windang parin ito sa mga pangyayari. Hindi nito magawang sagutin ang mga tawag na rumerihistro sa telepono.
Nakikita niya ang pagtawag ng kanyang Mommy Esmeralda at tita marga ngunit hindi niya ito masagot hanggat hindi nalalaman ang kalagayan ng kanyang Fiance. Maya-maya pa ay bumukas na ang pintuan ng E.r at lumabas ang nakasuot ng lab gown na green tila may hinahanap ito. Kaya agad naman tumayo si Jonathan at nilapitan ito pagkuwa'y tinanong na niya dito ang lagay ng kanyang Fiance.''Dok how is she?'' Tanong niya sa Surgeon.
"I 'am sad to say, we couldn't save the baby "Bigla ay nahawakan ni Jonathan ang kwelyo ng Surgeon.''Why?" Hiyaw niyang wika dito ngunit sa halip ay tinapik nalang ng Surgeon ang balikat ni Jonathan. Agad naman binitawan ni Jonathan ito at dali-dali ay pumasok sa loob at tinungo ang kinaroroonan ni Nikki. Nang makita ni Jonathan ang noon ay walang malay na si Nikki ay agad niyang ginawaran ng halik ang noo ng Fiance at hindi na napigilan pang umiyak. Hindi inaasahan ni Jonathan na mangyayari iyon kay Nikki bakit ngayon pang magkakaanak na pala sila ay ipinagkait naman sa kanilang mabuhay ito at makapiling.Madaming tanong ang gumugulo sa isipan ni Jonathan ng mga sandaling iyon.