Chapter 19 A New Beginning

2528 Words
                                                                       Unti-unti ay nagmulat ang mga mata ni Nikki at dahan-dahan ay ikinilos ang katawan.Nagulat siya at nakayakap sa kanya  ang Fiance na si Jonathan na noon ay tulog na tulog. Agad niyang tinapik ang mga braso nito upang magising. ''Nathan wake up'' gising niya sa binata. Maya maya pa ay nagmulat na ito at agad siyang hinalikan at pagkuwa'y malungkot itong tumitig sa kanya.       ''Why? may problema ba? ano ang sabi ng Doktor?'' sunod sunod na tanong niya sa binata.''Im sorry Honey''malungkot na wika ni Jonathan. ''Bakit ka humihingi ng tawad hindi ko maintindihan?''Nagtatakang tanong niya muli rito.''Our baby didn't Make it honey'' Bigla ay tumulo na ang luhang pinipigilan ni Jonathan.         Hindi na rin napigilan ni Nikki ang emosyon at  pinakawalan narin ang mga luha.''Hon hush Stop crying please'' wika ni Jonathan at pagkuwa'y niyakap ng mahigpit si Nikki. Tanging mga luha at pagiyak ang naging tinig ng kwartong  ng mga sandaling iyon. Mahirap man para kila Nikki at Jonathan ang naging pangyayari ay hindi parin sila nagpasindak sa mga trahedyang kanilang kinaharap muli ay bumangon at hinarap ang kasalukuyan mahirap man ay nagsimula muli sila ng panibagong buhay.         Makalipas ang tatlong taon Pinagpatuloy parin ni Nikki ang kanyang career na napili at naging matagumpay  sa larangan ng pagkanta. Si Jonathan naman ay Mas lalong pinag igi ang negosyo at nagkaroon ng ilang branch sa Pilipinas at sa Spain. Ang dalawang ginang naman ay napili naman mamalagi muna sa Pilipinas upang asikasuhin ang ilang business doon.         Dumating sa punto na halos hindi na nagkikita ang magkasintahang si Jonathan at Nikki dahil narin sa kanilang kanya kanyang Propesyon at business. Ang Kaibigan naman nila na si Patrick ay nagkaroon na ng kulay ang buhay pag-ibig. Miminsan din dumadalaw si Nikki sa pilipinas upang magsagawa ng ilang concert . Nabigyan narin kasi siya ng ilang kontrata sa ibat-ibang TV shows  kaya napapadalas na ang kanyang paguwi sa pilipinas.          Nakabili narin ang dalaga ng ilang property at bahay dahil sa pagsisikap niya sa kanyang napiling propesyon. Tila naging maganda ang pasok ng bawat  taon simula ng pagdaanan nila ang iba't ibang klaseng trahedya sa Italya. Hanggang sa Isang araw ay napagpasyahan na ni Nikki ang umuwe na sa Pilipinas upang doon na ibuhos ang kanyang singing Career.          Pagbaba ni Nikki ng eroplano ay dinumog agad siya ng ilang reporter upang mainterview ilang media coverage din ang naghihintay sa kanya sa loob ng Airport.''Hi Ms Nikki Maniego welcome po''.Wika ng isang reporter maya-maya pa ay isang reporter nanaman ang sumiksik at nagpahayag.''Magandang araw po Ms Nikki Maniego ipagpapatuloy mo na ba dito sa pilipinas ang singing career mo?'' Maya-maya pa ay agad niya itong sinagot.         ''Well Its a part of my plan, But for now I would like spend my days here in Aah'' Bigla ay napahinto siya sa kanyang pagsasalita at pagkuwa'y may panibago nanamang reporter ang lumapit.''Ahmm Ms Nikki Totoo bang Engage na kayo 5 years ago sa Isang business tycoon na si Jonathan Villafuego?.tanong ng isang makulit na reporter na kanina pa nakikipagbalyahan sa ilang co reporter para lang makausap siya.'' Well as a matter of fact!!,Well yes Im Engage 5 years ago! but for now huwag muna natin siyang pangalanan for his privacy purposes"        .Pagkasagot ay agad niyang kinindatan ang isang reporter. ,Maya-maya pa ay nagpaalam na siya sa mga ito at agad naman hinawi ng mga Bodyguard ang kanyang daraanan papasok ng Airport. Ngunit mas lalo siyang dinumog ng media at ilan sa mga tiga hanga niya. Simula kasi ng irelease ang kanyang new single album ay marami ang nakarelate sa ilang tract list niya Mas marami ang humanga sa kanyang magandang tinig.         ''Hi Ms Nikki are you staying here for good?''Hirit ng isang reporter. Maya maya pa ay ilang media coverage na ang naguulat ng kanyang pagdating dito sa Pilipinas. Hindi na talaga mapipigilan ang pagsikat ni Nikki ilang mga tagahanga niya ang dumumog at nakipagbalyahan sa mga body guard niya para lamang makapagpa autograph at picture .Ang iilan ay napagbigyan niya subalit mabilis na siyang naitago sa Vip hallway ng ilan sa Bodyguard.Nang matakasan na niya ang mga dumumog na fans at media ay agad siyang sinalubong ng kanyang Manager na si Billie fuentabelia.         ''Hi Nikki Im glad you're here again''.wika nito sa kanya at sabay halik sa kanyang pisnge.''Me too Billie''.at ginawaran niya din ito ng halik sa pisnge. "Excited ka na ba? Madami tayong trabaho ngayon Nikki kaya sulitin mo na ang 1 week na vacation mo'' Paliwanag nito sa kanya. agad naman tumango si Nikki sa manager at pagkuwa'y nagpaalam na siya na may bibisitahin siyang lugar.Nang makasakay na si Nikki ng sasakyan muli pa ay nagbalik tanaw siya ng mga alaala.          Noong bata kasi siya pinapangarap lang niya ang ganitong oportunidad sa buhay ngunit hindi niya inaasahan na mangyayari at sisikat siya sa larangan ng pagkanta. Hindi din niya inaasahan na mababago ang buhay niya simula ng makilala niya si Jonathan ang kanyang Fiance. Speaking of Jonathan halos siyam na buwan narin pala silang hindi nagkikita nito dahil busy sila pare-parehas sa kanilang career at business.          Tila naman may anong kirot na naramdaman si Nikki ng bigla ay maalala nanaman niya ang kanyang Fiance na si Jonathan. Simula kasi nang magkaron ito ng branch sa bansang Spain ay hindi na siya nito naalalang tawagan man lang or kamustahin. Kung tatanungin nyo naman kung ano na ang balita kay Spark ay ayun at masugid parin itong naghihintay at umaasa sa kanya.Lalo ngayon si Spark din kasi ang naging dahilan ng kanyang pagsikat.           Hindi man pabor si Jonathan doon ay wala naman na itong nagawa pa dahil pangarap na ni Nikki ang pinaguusapan. Pero sa ngayon ay Ldr muna sila ni Jonathan at tila may LQ pa silang dalawa dahil sa napabalita ding showbiz personality na nalilink sa kanya. Hindi man gusto ni Nikki ang malagay sa ganoong sitwasyon ay tila naman kasi pinahihintulutan ito ng tadhana upang masukat pa lalo ang tatag ng relasyon nila ng kanyang Fiance na si Jonathan.           Hindi narin mabilang sa kanyang kamay ang ilan nilang pagtatampuhan na dalawa minsan kasi ay possesive ang binata,at minsan naman ay tila Over protective ito sa kanya. Minsan pang muli ay sinulyapan ni Nikki ang kanyang telepono upang tignan ang ilang larawan nila ni Jonathan na magkasama.Hindi man niya lubusang maamin sa sarili na namimiss na din niya ang binata.           Ilang oras din niyang inalala ang mga sandaling iyon lalo na at muntik na silang magkaroon ng anak at naging kontrobersiya din ito sa kanyang career miminsan din niyang nababasa sa ilang mga pages ng balita ang tungkol sa pagkakalaglag ng kanyang anak.Ngunit binabalewala niya lang ito upang huwag siya lalong mastress at nang makapag focus siya sa trabaho.          Maya-maya pa ay narating na ni Nikki ang kanyang pinaglakhan at kinamulatan ang lugar kung saan siya hinubog ng tadhana, Ang lugar ng San Martin. Ilang beses pa munang sumulyap si Nikki sa kanilang dating tirahan at pakuwa'y nagpahatid na sa Mansyon nila Jonathan. Dito kasi naghihintay ang kanyang Mama Margarita at ang ina ni Jonathan na si Tita  Esmeralda niya.  At nang marating na nila ang Rancho berde tila may anong sumikbo sa kanyang damdamin.Tila pati ang kanyang puso ay nagbalik tanaw sa lugar na ito.          Bigla tuloy niya naalala ang kaibigan na si Patrick na naka base parin sa Italy dahil mayroon narin itong pinatatakbong negosyo roon at syempre naroon na rin ang lovelife ng kaibigan. ''Hayyyyy!!!!! Its good to be back San Martin'' Bigla ay malakas niyang wika sa sarili at dali-dali ay nagunat ng katawan at Stretching.Medyo matagal din kasi ang kanyang biniyahe mula Italy. Maya-maya pa ay kasunod niyang bumaba ang kanyang P.A na si Lora ang bakla niyang personal assistant.         ''Ms Nikki napagod po ba kayo sa biyahe?'' Tanong nito sa kanya. ''Well yes! But Im feeling great right now''wika niya sa assistant at pagkuwa'y tuluyan na siyang Pumasok sa gate ng Mansyon. Nang makita siya ng mga katulong ay agad naman itong nagsilapitan sa kanila. Tuwang tuwa ang mga ito sa muli niyang pagbalik sa Mansyon. Ang kaninang pagod at may jetlag na katawan ay napalitan ng sigla at saya ng sandaling iyon.         Kay init ng naging pagtangap sa kanya ng mga dating nakasama at ilang kakilala. ''Ms Nikki pa autograph naman po o kaya po papicture para po sa anak ko Idol na Idol ka nun mam''.wika ng isa sa tauhan ni Tita Esmeralda niya. ''Opo sure po'' sagot niya dito at maya maya pa ay bigla siya nitong dinikitan at kinuhaan ng larawan. Todo pasasalamat naman ito na tila nanalo sa lotto. Ito ang mas lalong nagpapasarap sa kanyang pakiramdam kapag may mga taong naapreciate siya kung ano siya dati bago maging isang sikat na personalidad.         Pagkatapos niyang pagbigyan ang ilang tauhan ng tita Esmeralda niya ay agad naman siya nakita ng Kanyang Mama Margarita. Kaya dali-dali ito sa pagsalabong sa kanya at pagkuwa'y niyakap siya ng ubod higpit matagal tagal narin kasi silang hindi nagkikitang mag Ina.Dahil narin sa pagkabusy niya sa kanyang singing career. ''Anak namiss kita grabe Mas lalo kang gumanda at kuminis'' wika nito sa kanya at bigla ay hinawakan nito ang kanyang balakang at braso.         Grabe anak mas lalo ka din sumexy at naging firm! Tila ka na modelo sa itsura mo ngayon anak'' Manghang wika nito sa kanya. ''Ma naman! nakakahiya ka naman ang daming tao doon nalang tayo sa loob magusap''nahihiya niyang sita sa ina. ''Oh sige na nga anak hala tara na at pumasok ka na may mga naghihintay sayo sa loob''. at agad na silang pumasok sa loob ng Mansyon. Muli pa ay iginala niya ang paningin tila kasi ang laki na ang nabago dito simula ng umalis siya papuntang Italy.          Napakaganda ng naging resulta ng pagpaparenovate ng Mommy ni Jonathan bulong niya sa sarili.Tila naman nagulat sa kanya ang kanyang Tita esmeralda ''Oh my god Nikki Iha diyos por santo ikaw na ba yan?!! Gulat na tanong nito sa kanya.kay tagal rin niya kasi itong hindi nakita dahil simula ng sumikat na siya ay hindi na siya gaanong nakakauwi sa Mansyon nito sa Italya kaya ganoon nalang ang pagkagulat nito sa laki lalo ng pinagbago ng kanyang Itsura.          Dati kasi ay hindi siya nagaayos man lang paglalabas dahil kinatatamaran niya din ito.Subalit dahil kailangan ito sa naging Propesyon niya ang maging maganda sa paningin ng kanyang taga hanga. Pagkuwa'y niyakap na siya ng ginang at ginawaran ng halik sa pisnge kagaya ng kanyang Mama hangang hanga din ito sa kanya maging sa physical na pagbabago.          Maya-maya pa ay hinatak na siya nito papunta sa Dinning area at may ibinulong. ''Iha Someone is waiting you here at namimis ka na nun''Nkangiting usal nito sa kanya. Tila naman siya kinabahan dahil tila nahuhulaan na niya kung sino ang tinutuloy ng Kanyang tita Esmeralda at ng kanyang Mama. Nang marating niya ang Dinning area tila naman bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil tama nga ang kanyang hinala dahil ang sinasabi sa kanya ng dalawang ginang ay walang iba kung hindi ang kanyang Fiance na si Jonathan.         Tila kay laki din ng pinagbago nito dahil mas lalo itong naging gwapo sa suot nitong puting Longsleeve na nakatupi hanggang siko at Maong na Jeans.Mas nakadagdal pa ng appeal nito ang salamin na suot nito akala mo genius. ilang saglit din niya itong inexamine ngunit para naman itong naging malamig sa kanya. Dahil tila hindi nito alintana ang kanyang pagdating dahil nagbabasa ito ng ilang news paper sa dinning table. Maya-maya pa ay tumikhim ang Mommy ng binata na si Tita esmeralda niya.        ''Son iho Narito na siya''.mahinang wika nito sa binata at agad naman ay nagangat ito ng tingin sa kanya.Kaya naman tila bumilis ang t***k ng puso niya dahil tila siya nito nilulusaw sa tingin. pagkuwa'y umimik na ito.''Im glad you already here Nikki,! How's your travel?. wika nito sa kanya ngunit tila naman siya natuod ng oras na iyon dahil hindi niya ineexpect na magkikita talaga sila ngayon ng tipaklong na ito na kanina lang ay naiisip niya at namimis niya.        Ngunit tila may kirot sa kanyang damdamin dahil hindi na ito katulad dati na malambing sa kanya at tinatawag siyang Honey or hon man lang. Kaya napakamot nalang siya sa kanyang kilay at tipid na sinagot ang binata. ''Well i-its fine! I-im fine!''wika niya dito at agad naman siyang giniya ng Ina papunta sa upuan na katabi ng Binata.         ''Iha do you need anything? Nagugutom ka ba? Madami kaming pinahandang pagkain maya maya lang ay iseserve na dito satin ''wika ng tita esmeralda niya. ''Ok lang po tita actually po busog pa po ako dahil dumaan kmi ng staff ko sa drive tru upang bumili ng pagkain namin kanina sa biyahe''.sagot niya sa ginang at agad naman tumango ito at maya-maya pa ay nagwika.''ah iha hindi na ko magpapaligoy ligoy pa tutal naman at narito ka narin pati itong anak kong si Jonathan ano kasi iha, Siguro naman sa tagal na naengage kayong dalawa eh panahon na siguro kung paguusapan na natin ang magiging kasal niyo ni Jonathan'' mahabang paliwanag ng ginang na agad naman ikinagulat ni Nikki tila siya napipi ng marinig ito. Kasal? ikakasal sila ni Jonathan? pero paano? maari itong makaapekto sa career niya.          Bigla ay napaisip siya sa sinabi ng ginang at nang sulyapan naman niya si Jonathan ay patuloy parin ito sa pagbabasa ng News paper na tila bale-wala lamang ang sinabi ng Mommy nito na ikakasal sila. Agad naman siyang tinapik ng kanyang Mama margarita at tila nagtatanong ang mga mata nito na nakatingin sa kanya ng mga sandaling iyon.         ''Bakit iha hindi ka pa ba handa na maikasal kayo ni Jonathan?'' tanong muli ng ginang sa kanya. ''Hindi naman po sa ganoon tita pero ano po kasi''pagaalangan na sagot niya sa ginang Maya-maya pa ay hindi na nakatiis pa si Jonathan at nagwika.''Mom is right Nikki, I think this is the right time to get married'' Walang alinlangang tugon nito sa kanya. ''Well iha huwag kang magalala at hindi ito makakasira sa Career mo at napagusapan na namin ito ng Mama Margarita mo'' Muli pang dugtong ng ginang agad naman nagtinginan ang Mama niya at ang tita esmeralda niya na tila wala na nga siyang magagawa pa kung hindi pumayag sa plano ng mga itong maikasal sila ng Fiance na si Jonathan.         Tila naman nagbago ang ihip ng hangin at bigla ay lumapit sa kanya si Jonathan at pagkuwa'y tumayo at dali-daling lumapit sa kanya at inakay siya papuntang hardin. Ngunit tila naging masukista ito sa tagal na hindi sila nagkita mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay ng hinila siya nito at makaalis sa dalawang ginang tila bumaon ang mga kuko nito sa kanyang mga kamay at nang hindi na niya matiis ay agad niyang hinila ang kamay at sapilitang binawi ito sa binata.        ''Aaray Jonathan nasasaktan ako whats your problem??mariin na tanong niya sa binata.''You asking me what's my problem?? ofcourse its you!! always you! from the very first time i saw you! its always you Nikki???!!!!''galit na tono ng boses nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD