Mula sa kinauupuan ni Nikki tanaw na tanaw niya ang likuran ng kanyang Fiance na si Jonathan. Kitang kita niya ang malapad na likuran nito habang ito ay umiinom ng alak sa Veranda ng Mansyon. Hindi naman niya magawang lapitan ito dahil naging malamig ang pagtangap nito sa kanya simula ng siya ay dumating galing Italy. Naging parang ibang tao ang turing nito sa kanya na tila kay laki ng nagawa niyang kasalanan. Gusto niya sana itong iwasan muna at doon nalang sana tumuloy sa kanyang biniling Condo sa Makati ngunit makulit ang kanyang Mama Margarita ayaw nitong tumuloy siya magisa sa lugar na iyon. Lalo pa at kadarating lang niya sa Pilipinas. Matagal din siyang nakatingin sa kinaroroonan ni Jonathan nang mapansin iyon ng Kanyang Tita Esmeralda ang Ina

