Malalim na ang gabi ngunit tila ayaw dalawin ng antok si Nikki. Kaya mula sa higaan ay tumayo siya at pinagmasdan ang malalim na gabi. Tila siya nilulunod ng lungkot ng mga sandaling iyon narito nga at magkasama sila sa iisang bubong ng kanyang Fiance na si Jonathan ngunit tila naman milya-milya ang layo nila sa Isa't -isa. Hindi niya mapigilan ang muli ay maluha, hanggang sa hindi niya namamalayan na maguumaga na pala. Nang tignan niya ang kanyang orasan ay pasado alas dos na pala ngunit tila hindi parin niya nararamdaman ang antok bigla tuloy sa pagkirot ng kanyang sintido. Kaya minabuti muna niyang bumaba at kumuha ng maiinom. Nasa kalagitnaan siya ng paghahanap ng gamot ngunit tila hindi niya mahana

