Masaya ang dalawang ginang sa pagaasikaso kay Nikki dahil ito ay tuluyan ng nakalabas ng hospital. Pinayuhan din ng Doktor na maselang ang pagbubuntis ni Nikki kaya naman kailangan niyang makapagpahinga ng maayos at huwag magpupuyat. Ilang mga vitamins at gamot din ang kailangan inumin ni Nikki kaya naman hindi na niya mainom ng maayos ang mga gamot dahil sa pagkasensitibo ng kanyang tiyan. ''Iha Okay ka lang ba? gusto mo papalitan natin yang mga medicine mo?'' Tanong ng tita Esmeralda na noo'y kasalukuyang binabantayan siya dahil sa makailang beses na pagbaliktad ng kanyang sikmura. ''Huwag na po siguro tita masasanay din po siguro ako dito'' Paliwanag niya sa ginang at agad naman sumangayon ito kahit na tila nagaalala parin sa naging kondisyon niya. Samant

