Walang patid ang pagluha ni Nikki ng umagang iyon, Hindi niya lubos na matangap na ang lalaking iniibig niya ng tapat ay maari muling mawala sa kanya. Kaya naman nilunod niya sa alak ang sarili upang kahit papaano ay maibsan ang sakit na kanyang nadarama ng mga oras na iyon. Hinayaan niya muna ang sariling ilabas ang pighati sa pamamagitan ng alak para muli ay makabangon siya at mahanap ang sarili. pinilit niyang pagkasyahin ang sarili sa sulok ng maliit na espasyo ng higaang iyon upang sa gayun ay maikubli ang sarili. Makalipas ang ilang oras na pagmumukmok ni Nikki sa sulok ng higaan nakarinig siya ng mabibilis na yabag mula sa pintuan ng suite na kanilang tinutuluyan. Maya-maya pa ay narinig na niya ang pamilyar na boses na iyon ng binata na alala

