TWENTY-EIGHT “Manang, hindi pa rin po ba nakakabalik sina Martin?” tanong ko sa katiwalang naiwan sa bahay namin. Ilang linggo matapos ng gulong nangyari sa min ni Martin, hindi ko na sila muling nakita pa. Ang kuwento ni Santi ay nagpang-abot daw sina Martin at Lance sa ospital. Si Santi ang nagdala sa akin sa ospital kasama si Lance. Tinawagan niya raw kasi agad si Lance nang makita ang itsura ko. Ilang araw akong nakatulog dahil daw sa sobrang pagod sabi ng doctor. Mabuti at matapos ang lahat ng nangyari ay ayos lang ang batang nasa sinapupunan ko. “Naku, hija, wala pa rin sila e. Pasensiya na, Celine. Mahigpit kasing ipinagbilin ni Martin na huwag kang papapasukin,” nahihiya nitong sabi bago muling sinarado ang gate. Pang-ilang beses ko na itong bumalik dito para sana makita man

