TWENTY-NINE “Baby, ayos ka lang ba?” pang-ilang ulit nang tanong ni Lance sa akin. Galing kami sa OB kasi biglang kumirot ang tiyan ko. Thinking na medyo maaga ito para mag-contract kaya ayun, nataranta ang lalaking ito. Normal lang daw iyon kasi napapagod ako kaya iwasan ko raw kung ayaw kong mapaaga ang panganganak ko. Pero ilang weeks naman ang hihintayin at malapit na namin siyang makita. “Ayos nga lang. Paulit-ulit? Ikaw ba, madalas pa bang sumakit iyang tiyan mo?” balik kong tanong. Naglalakad kami papuntang parking area. Kakain daw muna kami sa labas. “Maganda na ang sigurado tayo. Mahirap na. Ilang buwan na lang ang hihintayin ko, makikita ko na ang anak ko. May bonus pang nanay kaya sino’ng hindi ma-e-excite.” Nakangisi siyang kumindat sa akin habang ingat na ingat na inaalala

