THIRTY MARTIN Ilang buwan na pero parang ganoon pa rin araw-araw. Walang nagbabago sa sakit na nararamdaman ko. Sa tuwing gigising ako sa umaga, sinasampal pa rin ako ng katotohanang wala na—wala na talaga kami. Kahit ilang beses kong tanungin ang sarili ko kung bakit, hindi ko talaga masagot. Isa lang talaga ang pinanghahawakan ko: na ginawa niya iyon para kay Macy. Na hindi niya intensyong lokohin ako. Pero kahit anong siksik ko niyon sa utak ko ay tumatagos pa rin sa puso ko ang sakit. “Ang aga mo na namang narito. Minsan, subukan mo ring magtagal sa bahay n’yo,” masungit na sita ni Allen, my best friend and best buddy. He knows my problem, but he’s too good to say things about it. “Customer ako kaya huwag mo akong sabihang umuwi. At saka hindi masayang uminom mag-isa rito. Maram

