TWENTY-SIX Parang kahit gaano katagal ko itong pinaghandaan ay parang hindi sapat ang lahat ng inipon kong oras. O sadyang wala naman talaga akong pinaghandaan at umaasa na lamang na hindi na matuklasan pa. Parang nabingi ako nang mga oras na nagsalita si Santina sa harap ni Martin. Parang biglang naglaho ang lahat ng nasa paligid ko. Nakalimutan ko kung sino sila o kung nasaan kami. Ang tanging nagawa ko nang mga oras na iyon ay umiyak at tanggapin ang lahat ng nangyayari at mangyayari pa. Nakalimutan ko palang paghandaan kung ano ang magiging pakiramdam ko sa oras na mangyari ito. Nakita kong umaalis na si Santina habang pinapahiran ang luha niya. Lumapit sa akin si Martin at ginabayan ako papasok ng kotse niya kasama ang mga pinamili ko. Hinaplos ko ang tiyan ko nang makaupo ako sa

