ELEVEN Ginising ako ng mga mumunting tinig na hindi ko alam kung saan galing. Inaayos ko ang kurtinang pinapasok na ng sikat ng araw hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kagabi. Gustohin ko mang kalimutan ang nangyari kagabi ‘di magawa ng sistema ko, iwan ka ba naman sa isang tabi na parang basura matapos ka nitong gamitin. Ang saya ng buhay, ‘di ba? Pero wala akong magagawa ginusto ko ito kaya paninindigan ko . Inayos ko ang suot kong maxi dress bago lumabas ng silid ko. May mga naririnig akong nag-uusap at kumakalampag na mga kagamitan. “Gising ka na pala, Miss Celine. Good morning po, pasensiya na po maingay kami, ah!” Nahihiyang bati sa ‘kin ng isang may edad na Ginang. “Good morning din po. Ayos lang po tanghali na rin naman po. Sino po kayo?” usisa ko sa kanya nang makal

