TEN Sa sobrang sarap sa tenga ng pinapakinggan ko pati haplos at halik niya’y nakapagdadala ng init sa katawan ko. Nadadarang ako sa bawat haplos niya. Feeling ko dinadala niya ako sa ibang mundo. Mundo na kaming dalawa lang at walang ibang aalalahanin. “Umm … Lance.” Impit kong daing sa bawat haplos niya. Naramdaman kong wala na akong saplot nang ihiga niya ako sa telang nakalatag sa tabi ng pool. Abala siya sa paghuhubad ng sarili niya habang hindi pinuputol ang mga titig sa ‘kin. Bigla ko tinakpan ang sarili ko sa harap niya. Ito ang unang beses na may makakakita ng katawan ko maliban sa asawa ko. Tama, ang asawa kong walang alam sa panggagagong ginagawa ko. Ang asawa kong ginagawa ang lahat para sa ’min pero heto ako at nasa piling ng iba. “Don't be shy, baby, they’re beautiful,

