NAPABUNTONG-hininga si Dolphin matapos sariwain sa kanyang isipan ang mga ala-ala nila ni Haru noong nasa Manhattan pa sila. A familiar feeling enveloped her heart. "I've missed you, too, Haru." Ngumiti si Haru, saka humiga sa kanyang tabi. Pinaunan nito sa kanya ang braso nito pero hindi siya yumakap dito gaya ng madalas niyang gawin. Mukhang hindi naman iyon gaanong pinansin ng binata dahil malinaw dito ang pakikipaghiwalay niya bago siya bumalik ng Pilipinas. "I've missed you more, Dolphin. Hindi mo alam kung gaano ako nagulat at nasaktan nang makita ko ang iniwan mo sa shop ng Tita Mami mo," paghihinanakit ni Haru na ang tinutukoy ay ang pagbabalik niya rito ng singsing na binigay nito nang gabing inalok siya magpakasal. "I'm sorry, Haru. Hindi ko lang alam kung paano ka haharapin."

