PUMASOK si Dolphin kasama si Haru sa establisyimentong pakay niya ng araw na iyon– ang binebentang space na balak niyang pagtayuan ng kanyang bakeshop. Balak iyong bilhin ni Dolphin. Dahil positibo ang natanggap ni Dolphin na mga feedback tungkol sa pastries niya, at nagkaroon na rin siya ng order through online, naisip niyang kakayanin na niyang magtayo ng sariling negosyo. Naroon na ang ahente na nag-e-endorse ng establishment at ipinaliwanag ng matanda ang lahat ng tungkol sa property. Pagkatapos maglibot ay binigyan sila Dolphin at Haru ng ahente ng oras para makapag-usap. "The place is small, but I like it," sabi ni Haru. "Tama ka nga nang sabihin mong magugustuhan ko rin ito." Napangiti si Dolphin, masaya sa komento ni Haru. "I told you. Gusto ko rin ang mga shop na katabi nito."

