ISANG taon na ang lumipas kaya sinundan na ni Connor si Dolphin sa Manhattan, gaya ng kasunduan nila ni Shark. Hindi naman mahirap hanapin si Dolphin dahil nga kaibigan ng kanilang pamilya ang pamilya ng dalaga. Madalas mabanggit noon ni Dolphin sa kanya ang tungkol sa tiyahin ng babae na may-ari ng bakeshop sa Mahattan. Dolphin looked better than she did when she was in the Philippines. Maaliwalas ang mukha ni Dolphin habang nagkakape. Pero naramdaman yata ng dalaga na nakatingin siya rito kaya unti-unti itong lumingon sa kanyang direksyon. Connor's heart skipped a beat or two when recognition crossed Dolphin's eyes. Tumayo ang dalaga, hindi makapaniwala sa nakikita. Bumangon ang pag-asa sa kanyang dibdib. Kung masaya ang mukha ng babaeng mahal niya, maaaring hindi na ito galit sa kany

