NAGING mapait ang pakiramdam ni Connor matapos alalahanin ang nakaraan, ang dahilan kung bakit hindi agad niya muling nabalikan si Dolphin. Nang umalis si Madison sa poder ni Connor, nagkaroon ng pagkakataon si Connor para muling balikan sa Manhattan si Dolphin. Pero natagalan siya dahil naging abala siya sa proyektong tinanggap niya – ang paggawa ng theme song para sa soap opera ni Direk Jojo na naging breakthrough niya sa music industry. Isa pa, nag-ipon pa siya ng pamasahe dahil hindi biro ang gastusin sa pagpuntang New York, lalo't sinusuportahan lang niya ang kanyang sarili. It took him almost a year to finish everything. Nang makuha ni Connor ang bayad sa kanya nang ma-approve ang kantang sinulat niya, saka siya nag-book ng flight papuntang New York para sunduin si Dolphin. Pero h

