HINDI alam ni Connor ang mararamdaman ngayong naroon siya sa dati niyang kuwarto sa bahay ng mga magulang. Malinis pa rin iyon dahil may care taker na nagme-maintain ng kalinisan ng mansiyon kahit hindi na ro'n nakatira ang mga magulang niya. Si Riley kasi ay nagpatayo ng sariling bahay matapos magpakasal kay Crayon. Limang taon na ang nakakalipas simula nang huling beses siyang tumapak do'n. At ngayon lang siya nakabalik. Matapos maging matagumpay ng operasyon ng kanyang ina, inaya niya si Daddy Matthew na magpahinga muna sa bahay. Hindi pa kasi ito natutulog, kumakain at naliligo man lang. Ngayong maayos na ang lahat, nakumbinsi niya itong magpahinga sa bahay. Kapag sa ospital kasi naiidlip si Daddy Matthew, mababaw lang ang tulog nito dala ng sobrang pag-aalala. Nagulat si Connor nan

