"DOLPHIN, it's late. Saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Haru. Nag-aalala na 'yong tao sa'yo." Dumako ang malamig na tingin ni Dolphin kay Shark nang salubungin siya ng kapatid pagdating niya ng bahay. "Kuya, ano'ng sinabi mo kay Connor para hindi niya ko pigilan umalis five years ago?" Halatang nagulat si Shark sa tanong ni Dolphin, pero nang makabawi ay naging seryoso ang kapatid. "Daddy Shark?" nag-aalalang tawag ni Antenna sa asawa. Nilingon ni Shark si Antenna. "Mommy Antenna, umakyat muna kayo ni Baby Koi sa kuwarto. Mag-uusap lang kami ni Dolphin." Nag-aalangan man, tumango si Antenna. Humalik sa pisngi ng kapatid niya ang asawa, pagkatapos ay pumanhik na sa ikalawang palapag ng bahay. Pag-alis ng mag-ina ay hinarap siya ni Shark. "Dolphin–" "Alam ko na ang lahat, Kuya,

