NANG magising si Dolphin, naroon na siya sa kanyang kuwarto, nakahiga sa kanyang kama. At sa tabi niya ay si Haru na mataman siyang pinagmamasdan. May kakaibang lungkot sa mukha ng kanyang boyfriend. "Haru..." Ngumiti si Haru, subalit hindi iyon umabot sa mga mata nito. "Good morning, baby. Kumusta ang hang-over?" Umiling siya. "Hindi okay. Masakit ang ulo ko." Bumuga ng hangin si Haru, saka tinulungang bumangon si Dolphin. Inabutan siya nito ng aspirin na agad niyang inimon sa pag-asa na maalis niyon ang sakit ng kanyang ulo. "Paano ako nakauwi?" tanong ni Dolphin matapos uminom ng gamot. Nag-iwas ng tingin si Haru. "Si Connor. Tinawagan niya ko kagabi at sinabing nasa bahay ka niya, lasing na lasing." Saka naman parang pelikula na naglaro sa isipan ni Dolphin ang mga naganap kagab

