SINADYA ni Dolphin si Connor sa Empire University kung saan nagaganap ang huling araw ng shooting para sa music video ng binata. Tinawagan niya si Yuanne kagabi, at nakiusap sa manager ni Connor ang schedule ng lalaki. Hindi alam ni Dolphin ang eksaktong dahilan kung bakit naroon siya, pero gusto niyang makatiyak na tama ang magiging desisyon niya – ang pagbabalik sa Manhattan kasama si Haru. Pabalik sa dati niyang buhay. Nakakalungkot, pero kailangan niya munang ihinto ang pangarap niyang magtayo ng sariling negosyo sa Pilipinas. Siguro ay dapat na lang niyang tanggapin ang alok ng kanyang Tita Mami na humalili sa mababakanteng posisyon ng head pastry chef ng Mrs. Pâtissière. Nakasanayan na rin naman niya ang buhay sa Amerika. "I never believed in a higher deity before, but I found myse

