"KUYA, hindi mo kailangang mag-absent sa work para lang asikasuhin ako," natatawang sabi ni Dolphin nang makita na may dalang breakfast si Shark para sa kanya. Kababalik lang ni Dolphin ng Pilipinas kagabi. Sinundo siya ni Shark at pinatuloy siya sa bahay nito, pero pagdating niya sa guest room ay nakatulog agad siya. Kaya ngayon, nagulat siya nang makitang dinalhan siya ng breakfast in bed ng kanyang kapatid kahit alas-nuebe na ng umaga. Hindi ito pumasok ng opisina para marahil asikasuhin siya. "Nonsense," simpleng sagot ni Shark. Inilagay nito ang breakfast tray sa kanyang kama, saka umupo sa kanyang tabi. Ngumiti ito at pinisil ang kanyang pisngi. "Last year pa kita huling nakita nang bisitahin ka namin nina Dad for Christmas. Parang umumbok yata ang cheeks mo." Lumabi si Dolphin sa

