"DOLPHIN?" Napangiti si Dolphin nang makita sina Philsia at Jam na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya, na tila ba hindi makapaniwala na siya na nga ang kaharap ng mga ito. "Hi, Phil, Jam." Biglang tumili sina Philsia at Jam saka siya niyakap. "I missed you, girl!" sabi ni Philsia. "Luka ka, muntik ka na namang hindi nakilala!" sabi naman ni Jam. "You cut your hair short, at kulay-burgundy pa 'yang buhok mo ngayon, ha? Bagay sa'yo, girl!" Ngumiti lang uli si Dolphin. "I missed you, too, girls." Lumingon siya sa paligid. "Nasaan si Peanut?" Tinuro ni Jam ang buffet table. "There." Nilapitan ni Dolphin si Peanut na kausap sina Antenna at Crayon na karga ang dalawang taong gulang na first born nina Peanut at Bread na si Baby Custard – ang birthday boy. Nakisalo na si Dolphin s

