CONNOR's blonde hair still look as shiny as it was years before, and though hidden by the dark sunglasses, Dolphin knew his deep ocean blue eyes remained the same. "Dolphin?" Nabasa niya sa pagbuka ng bibig ni Connor. Inalis ni Connor ang suot nitong sunglasses. At kitang-kita ni Dolphin ang panlalaki ng kulay dagat nitong mga mata. "Dolphin!" Mas sigurado na ngayon ang pagbigkas ni Connor sa kanyang pangalan. Kung hindi siya nagkakamali, pagkasabik din ang nahimigan niya sa boses nito. Pinilit ibalik ni Dolphin ang atensiyon sa pagbubukas ng pinto ng kanyang kotse. Pero ngayong nakita na niya si Connor, mas lalong ayaw makisama ng kanyang kamay. Gusto na niyang mapamura. Kung kailan naipasok na ni Dolphin ang susi sa keyhole ng kanyang kotse, saka naman may mainit at malaking kamay n

