Chapter 26

1194 Words

NATATARANTA si Dolphin habang pinapatahan si baby Koi. Nang iwan kasi ni Antenna si Baby Koi sa kanya para makipagkita sa agent nito na umaasikaso sa art exhibit nito, mahimbing ang tulog ni Baby Koi. Ang sabi ni Antenna, sandali lang daw ito kaya bantayan niya muna ang kanyang pamangkin. Pero isang oras mahigit na ang lumilipas ay hindi pa rin bumabalik ang kanyang hipag. Nag-i-iiyak si baby Koi nang magising ito, hinahanap marahil si Antenna. "Tahan na, Baby Koi," maiiyak nang sabi ni Dolphin. "Maiiyak na rin ako kapag hindi ka pa tumahan. Bakit ba kasi ang tagal ng mommy mo?" Natatakot naman si Dolphin na kargahin si Baby Koi. Mag-ta-talong buwan pa lang kasi ito at ang liit-liit pa. Natatakot siya na baka masaktan niya ang pamangkin. Nasa kalagitnaan pa rin ng kalbaryong iyon si Do

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD