BINALIKAN ni Dolphin ang establisyimento na nagustuhan niya sa tapat ng restaurant kung saan naganap ang baby shower ni Peanut noong nakaraang linggo. Bigla kasing naisip ni Dolphin na magandang puwesto iyon para sa gusto sana niyang itayo na pastry shop. Tamang-tama dahil may katabi iyong bookstore. Lahat ng book lover, puwedeng dumiretso sa shop niya para kumain ng pastries. Gano'n din sa kanan naman na souvenir shop. Siguradong madalas ay puro babae ang mga customer do'n. Girls loved cute stuffs, and she would make sure she would make her future pastry shop as cute as possible. Bumuntong-hininga si Dolphin, saka humalukipkip. Gusto niyang magtayo ng sarili niyang pastry shop. Pero natatakot siya na baka hindi iyon mag-hit, o hindi magustuhan ng mga tao. Noon pa man ay problema na niya

