NAGULAT si Dolphin nang pagpasok niya sa unit ni Connor ay nakita niya ang maliliit na cupcake boxes na nagkalat sa sahig. Iba-iba ang kulay ng mga iyon, may pink, baby blue at sunny yellow. B ut they were all cute. Napansin niya na ang ibang kahon ay may nakadikit nang sticker sa likuran. Pumunta si Dolphin sa unit ni Connor dahil ang sabi ng binata, gusto raw nitong ipakita sa kanya ang mga ginagawa nito para sa kanilang munting "challenge". Pumayag na siya dahil gaya ng sinabi niya kay Connor, pagbibigyan niya ito dahil iyon naman na ang huling pagkakataon na magkakasama sila. Pinagbigyan na ni Dolphin si Connor sa kagustuhan ng binata na bumawi sa kanya dahil karapatan nitong tuluyang mahingi ang kanyang buong kapatawaran, at para na rin maalis ang natitirang sama ng loob sa kanyang

