NANG imulat ni Dolphin ang kanyang mga mata, nakita niya si Connor na abala pa rin sa pagdidikit ng stickers sa cupcake boxes kahit halata sa mukha ng binata ang pagod at antok. Sinipat niya ang kanyang relong-pambisig. Lagpas eleven na ng gabi. Ihahatid dapat si Dolphin ni Connor. Subalit malakas talaga ang ulan kanina at nabalitaan nila mula sa ibang tsuper na nagbaha ang karamihan sa mga kalsadang daraanan nila, kaya napilitan si Connor na ibalik na lang siya sa unit nito. Nagdesisyon si Dolphin na manatili muna sa unit ni Connor habang nagpapatila ng ulan, subalit sa tagal ay nakatulog pala siya. Hanggang ngayon ay naririnig pa rin ni Dolphin ang buhos ng ulan mula sa labas. Bumangon si Dolphin. No'n niya lang napansin na may unan at comforter na pala siya. Nilagay marahil iyon ni C

