NAHIHIYA na si Dolphin sa kanyang ginagawa. Bukod sa suot niyang headband na may mga tainga ng pusa, may dala rin siyang tray kung saan nakapatong ang limang piraso ng cupcake ng na naka-box. May tali sa magkabilang gilid ang tray at nakasabit iyon sa kanyang leeg. Kulang na lang ay magsuot din siya ng placard bilang promotion ng kanyang tinitinda. Ang paglalako ng cupcakes ni Dolphin ang naisip nilang taktika ni Connor. Mas maigi nang sila ang lumapit sa mga potensyal na customer. Subalit wala pa ring gaanong bumibili kay Dolphin. Alas-otso pa lang ng umaga ay naroon na siya sa kalsadang iyon. Karamihan sa mga lumalapit sa kanya ay nagtatanong lang ng presyo. Kapag sinagot niya ng "twenty five pesos each po" ay aalis na ang mga ito. Ang ilang lumalapit naman sa kanya ay mga kalalakihang

