HINDI makapaniwala si Dolphin na pinaghandaan ni Connor ng gano'n ang araw na iyon. Nagrenta ng bus ang binata para sa free concert nito na masasaksihan ng mga bumili ng kanyang cupcake! Walang direksyon ang pupuntahan nila, basta pagkatapos ng isang oras ay babalik ang bus kung saan sila nagbebenta ng cupcakes kanina. Mabilis na naubos ang one hundred fifty cupcakes ni Dolphin sa tulong ni Connor na nagkakakanta at nag-salestalk sa kanyang tabi. Pero nasa kalahati lamang ng bus ang napuno dahil kung hindi may trabaho ay may pasok sa eskwelahan ang iba sa kanilang mga napagbentahan. Para sa kanya na walang trabaho, at para kay Connor na hindi magulo parati ang schedule, nawaglit sa isip nila na Biyernes ng araw na iyon at karamihan ng tao ay may pasok. Karamihan sa mga sumama sa "bus con

