NAGMULAT si Dolphin ng mga mata nang maramdaman niya ang masuyong paghaplos ng kung sino sa noo niya. Sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ni Connor. Napangiti siya, kahit nanghihina pa ang pakiramdam niya. "Hi, baby love." Gumuhit ang iritasyon sa mukha nito, pero mas nangibabaw ang pag-aalala sa boses nito. "Ano ba'ng ginawa mo? Tumatawag ako sa'yo kanina pero si Madison ang sumagot at sinabi nga niyang nandito ka sa clinic." Bumangon siya. Inalalayan naman siya ni Connor. Tiningnan niya ang kamay niya na hanggang ngayon, may hawak pang stress ball. Napangiti siya. "I'm fine, Connor. Nag-donate lang ako ng dugo sa Red Cross kanina. Naparami siguro ang pagkuha nila ng dugo sa'kin kaya nahilo ako pagkatapos," biro niya. "Nag-donate ka ng dugo?" Tumango siya. "Project 'yon ng mga tag

