"DOLPHIN, ano 'yan?" Nakangiting inabutan ni Dolphin ng flyer si Madison nang lapitan siya nito. "Announcement para sa mga gustong sumama sa Build A Home Project ng Save The Mother Earth Organization namin bilang suporta sa Habitat for Humanity campaign ng isang NGO. Nagre-recruit ako ng mga interesado pang tumulong." Binasa ni Madison ang nakasulat sa flyer. "Sa La Union? Ang layo naman ng pupuntahan mo, Dolphin." "Okay lang 'yon. Ay, advance sorry nga pala kasi sa gabi ng birthday mo ang alis namin." Muling binasa ni Madison ang nakasulat sa flyer, at nadismaya ito. "Oo nga. Kung gano'n, hindi kita makakasama sa birthday ko?" Pabirong binunggo niya ito sa balikat. "Reregaluhan na lang kita. Ano ba'ng gusto mo?" Nag-isip ito, saka napangiti. "Accessory. But it doesn't have to be exp

