"KUYA Connor!" Ngumiti si Connor nang makita si Madison. Kalalabas lang nito ng gate ng East Sun University. "How was school, Maddie?" "Okay lang. Nakakapagod. Bakit sinundo mo ko ngayon, Kuya?" "Wala naman. I just missed you. 'Wanna hang-out?" Mabilis na tumango ito. "Sure. Mag-merienda tayo. Nagugutom ako." Ngumiti siya. Masaya siyang makita na masaya at excited si Madison ngayong kasama niya ito. Pero hindi pa rin niya maiwasang maramdaman na parang may kulang. Bago pa maproseo ng utak niya, namalayan na lang niya ang sarili niya na lagpas na ang tingin kay Madison at iniisa-isa ang mukha ng mga babaeng lumalabas ng East Sun. Subalit wala sa mga iyon ang hinahanap niya. "Kuya?" untag ni Madison sa kanya. Dumako ang tingin niya rito. "Hmm?" "May hinahanap ka ba?" "Wala," pagsis

