KAAALIS lang ng bus ni Dolphin at ng mga kasama niyang grupo ng volunteer workers sa East Sun University. Habang nasa biyahe siya ay nagba-browse siya sa iPad niya ang website ng Fancy Souvenirs, isang online accessory shop, para sa ireregalo niya kay Madison, salamat sa Wi-fi ng bus na iyon. Dahil sa pagiging abala niya sa kung anu-anong charity work ay hindi na niya naasikaso ang regalo nito, kaya nga tumulong na lang siya kay Haru sa paggawa ng cake nito bilang "installment gift" niya rito. Mahilig sa bracelet si Madison kaya iyon ang napili niyang hanapin. Sa kaka-browse niya ay napunta siya sa page na may titulong "Infinity Bracelet". Natigilan siya nang makita ang litrato ng couples' bracelet na ibinebenta sa may kataasang halaga. Pamilyar sa kanya iyon. Napasinghap siya. Ito 'yong

