"YOU SHOULD go and see him!" "Huh?" nagtatakang tanong ni Dolphin sa mga kaibigan niya. Nag-iihaw siya ng barbecue para sa hapunan nila sa tapat ng model house na tinutuluyan nila nang lapitan siya ng mga ito at sabihing puntahan niya sa bus si Connor. "Bakit?" "Hindi ba siya nagpaalam sa'yo? Narinig ko na kausap niya ang team leader and adviser natin. Kailangan na daw niyang bumalik sa Manila," sabi ni Philsia, kaibigan at kapwa-volunteer niya. Umiling siya. Hindi niya pinahalata, pero nalungkot talaga siya sa nalaman niya. "Bakit daw aalis na siya?" "Hindi namin alam, kaya nga puntahan mo na siya. Ando'n siya sa bus!" Kumunot ang noo niya. "'Di ba kanina pa umalis 'yong service natin at babalikan na lang tayo sa Biyernes?" Nagkatinginan ang mga kaibigan niya, pagkatapos ay hinawaka

